Chapter 15

201 14 4
                                    

Nang mag-umpisang magkagulo sa hallway na kinatatayuan ko ay wala na akong napagpilian pa kundi ang tumakbo paalis.

Pahirapan ang ginawa kong pagtakas dahil na rin sa halos magtulakan na kaming lahat dito sa hallway. Bawat sigawan at nagmamadaling yabag ng mga nakakasabayan ko ay nagdala lang ng hindi ko maipaliwanag na takot sa'kin.

Idagdag pa ang maliliit at nakakaalarmang boses ng mga halimaw na siyang nagiging rason kung bakit mas ginusto ko talagang makalayo.

Akmang liliko na sana ako sa isang pasilyo pero hindi na iyon natuloy pa nang may mamataan akong galamay na nakakapit sa bintana. Hindi gano'n kalayo ang glass window sa pasilyo kaya wala sa wisyo akong napahinto. Habol ang hininga kong tinignan ang daan at nang binalak kong pasukin iyon ay ang siya namang pagpatong ng nilalang sa mismong ibabaw ng window base.

Shit. I'm doomed.

Gumagalaw ang galamay niya habang pabalik-balik ang gapang sa bawat sulok ng bintana. Nang dahil sa ginagawa niyang paglilikot ay hindi ko maiwasang mabato sa kinatatayuan ko. Inobserbahan ko siyang mabuti. Napakaputla pa ng kaniyang balat at may pagkakataon ding pagewang-gewang pa siya kung kumilos.

Ilang segundo akong nanatili sa kinatatayuan kko at pinagmamasdan lang siya. Ngunit ang ikinagpataka ko ay kung bakit hindi niya ako inaatake. It looks like that monster failed to recognize my presence. The same thing about how that creature ignored me way back.

Tangina, hindi niya ba ako nakikita?

Nang hindi niya talaga ako napapansin ay doon na ako naglakas loob na lusungin ang pasilyo para makabalik sa room namin.

Bahala na.

Pigil-hininga akong humakbang nang dahan-dahan. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay ang aking suot na sapatos para hindi ako makatawag nang pansin. Patuloy kong ginagawa iyon habang ang paningin ko naman ay palipat-lipat sa daanan at sa alien.

Pilitin ko man ang sarili kong kumalma pero hindi ko talaga magawa. Nanginginig pa rin ang magkabila kong tuhod. Ni kahit ang dalawa kong kamay ay namamasa nag-uumpisa na ring manlamig dahil sa pawis.

Akmang malalampasan ko na sana ang bintana pero hindi na iyon natuloy pa nang may biglang umantala sa plano ko.

May babaeng napadaan sa pwestong kinalalagyan ko at hindi sinasadyang napasigaw.

"Ahh!" Saktong paglukob ng boses niya sa pasilyo ay doon na nga niya tuluyang naagaw ang pansin no'ng halimaw.

Namilog ang mata ko habang pinapanood ang alien na nagwawala sa itaas. Para bang sa pagkakataong iyon ay naalarma ang buong sistema ko dahil sa labis na pagkabigla.

Agad na nagpakawala ang alien ng tila impit na tunog hanggang sa patalon iyong bumaba at tinungo ang pwesto namin. Nagsiwagayway kaagad ang galamay no'n sa ere dahilan kung bakit napaupo sa sahig iyong babaeng sumigaw.

Dala ng labis kong pagmamadali at tarantang mailayo iyon sa pwesto niya ay wala sa wisyo kong binunot ang isang walis sa gilid at buong tapang iyong pinanghampas sa halimaw. Mabuti na lang at nagawa ko iyong tamaan kaya kahit papaano ay nailayo ko iyon sa pwesto namin.

Mabilis kong binaling ang tingin ko sa babae saka walang salita siyang inalalayan patayo. Nang lingunin ko ang pwesto no'ng halimaw ay muli na naman itong gumalaw, at ang mas lalong nagpadumog sa'kin ng takot ay sa amin pa rin ang atensyon niya.

Tangina.

"We have to run. Lets go!" aya ko bago ko siya hinila paalis. Hindi naman din niya ako kinontra bagkus ay sumabay din siya sa'kin sa pagtakbo.

Tinuloy naming tinahak ang mahabang pasilyong kanina lang ay pinaplano kong lagpasan. Pero ang ikinainis ko ay ang alien na patuloy pa ring nakasunod sa'min.

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon