Sa lumipas na limang araw, mas lalo lang na lumala iyong mga nangyari sa amin dito sa loob. Tuwing umaga, ginigising kami ni Lieutenant para sumali sa morning exercise ng seniors namin. Labag man sa loob pero wala kaming nagawa dahil lagi nila kaming pinupwersa at pinagtutulakan palabas.
Aabot ng halos dalawang oras iyong durasyon ng morning exercise kaya kahit hindi pa sumisikat iyong araw, pawisan na kaming lahat. Para na nga kaming mga lantang gulay kapag papasok na sa klase e. Partida umagang-umaga pagod kaming lahat.
Pero ano pa nga bang aasahan ko? Sundalo na iyong may hawak sa amin, baka nga sa susunod hindi lang ito iyong ipapagawa nila sa amin.
Katulad na lamang ngayon, nandito kami sa labas at lupaypay ang mga katawan na nakasalampak sa damuhan.
Katatapos lang naming magperform ng mountain climbers magkakaklase bilang panibagong parusa para sa araw na 'to.
Kahit sampung minuto na iyong nakakalipas, parang hindi pa rin ako nakakabawi. Kagat-labi akong nakatingala sa ibabaw habang hinahabol ang paghinga ko. Pakiramdam ko talaga ay 'di ako aabutan ng bukas kung hindi ako hihinga nang maayos.
Seryoso, nakakapagod.
Damn, I don't really know if we were just staying here for our own good or they intentionally put us inside this camp for us to have a proper military training. Kaunti na lang talaga ay iisipin ko nang pinaplano talaga nilang magkaroon kami ng ROTC. Pareho sa iniisip ni Maize.
Ewan ko ba sa babaeng iyon, parang sa mga lumipas na araw ay siya lang iyong masaya sa mga pinapagawa sa amin. Kung kami nagrereklamo, siya tuwang-tuwa.
Hindi ko talaga alam kung saang banda sa mga parusang nakukuha namin ang nakakasaya para sa kaniya. That mountain climber almost broke my arms especially both of my knees! Pero bakit siya nakakangiti pa rin? Gaga talaga.
Bugbog-sarado na nga ako sa totoo lang. Iyong buong katawan ko halos hindi ko na maiangat pa dahil sa pagod. Sumasakit pa nga iyong mga kasu-kasuhan ko dahil sa mga parusang walang humpay nilang pinapagawa.
"Ano, buhay ka pa ba?" natatawang baling sa akin ni Jaden na kaswal lang na sinisintas iyong sapatos niya. Pawisan din siya kagaya ko pero parang sanay na sanay na siyang gawin iyong pinarusa sa'min.
Kung sa bagay, limang araw na iyong lumipas kaya sure akong nakapag-adjust na talaga siya. Eskwela-parusa ba naman iyong paulit-ulit nilang pinapagawa, masasanay at masasanay ka talaga.
But who are us to complain? Kasalanan din naman talaga namin kung bakit kami nakakatanggap ng punishments, but still, I don't think I can last for a month.
"Not now, Jaden. Wala ako sa mood na makipagtalo sa'yo," pagod kong sabi nang hindi man lang siya tinitignan.
God, I am still running out of breath, huwag naman sanang pati pasensya ko e maubos din.
"Sungit naman this girl, nagtatanong lang e," nagtatampo niyang sagot dahilan kung bakit nangungunot ang noo ko siyang tinapunan ng tingin. At ang gago naman ay tinawanan lang ako bago nagpunas ng pawis.
"Kung bakit ba kasi naisipan niyo pang magtago ng beer sa loob ng camp niyo? Nadamay pa tuloy kami," reklamo ko.
Hindi naman sa galit ako sa nangyari, ang akin lang naman ay sobra-sobra na iyong natanggap namin sa araw na 'to. I am so done performing those military exercises which I don't like in the first place!
Hindi pa naman din ako gano'n ka physically active kagaya ni Maize. Damn that girl, siya lang talaga sa aming mga babae ang nakakasabay sa mga militar na iyon.
"Hindi nga kasi iyon beer!" pagtatanggi niya pa. "Tsaka bakit ba sa'kin ka nagagalit? Si Yobi pagalitan mo! Iyong gagong iyon kaya iyong may pakana. Sa bote ba naman ng Red Horse ilagay iyong ice tea. Parang baliw."
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...