"Tangina, pati sa pagbabalat ng kalabasa 'di ka rin marunong. Akin na nga!" asik ni Jaden sabay kinuha ang hawak ni Asther.
Nandito kami ngayong tatlo sa kusina para ihanda ang mga ingredients na lulutuin ni Vail at Maize sa baba. Sa bandang likod naman nandoon si Ervise at Yobi para mag-ihaw.
Hati-hati iyong gawain namin para naman mas mabilis kaming makakain. Nandito na rin kasi sila Lieutenant. Dapit-hapon na sila dumating pero sa halip na unahing pag-usapan iyong mga dapat naming imeeting, sila ang nagdesisyon na kumain daw muna kami. Wala namang tumutol tutal mag-aalas sais na rin naman.
"Ako na iyong naaawa para sa sarili mo, Asther. Ano lang bang alam mong gawin?" hirit niya ulit kaya bahagya ko silang tinignan.
"Mag-inarte. Bakit?" sagot ng kaklase namin. "I told you, doing household chores is not my thing. We have maids at home naman e, so I don't have to do it anymore."
"Wala ng princess treatment princess treatment dito. Crises na sa Pilipinas, dapat matuto ka na."
Tahimik lang akong naghihimay ng malunggay habang hinahayaan silang mag-ingay sa gilid ko.
"It's not that I don't have any interest, siguro nasanay lang ako," sagot ni Asther. "They've been giving me princess treatment kasi so I got used to it. Even Sivan is doing the same."
Pansamantala tuloy akong napahinto matapos niyang sabihin iyon. Bumalik na naman sa isipan ko iyong nangyaring tagpo kanina. Harlem is still putting a keen eye on him. Wala siya rito sa loob ng bahay, baka nga nandoon iyon sa ibaba kasama nila Vail since nandoon naman si Sivan.
"Talaga? Mabait siya sa'yo?" tanong ko na siyang tipid niyang ikinatawa.
"Oo, hindi lang halata minsan. But I know he cares naman," pauna niyang sabi. "Intimidating lang kasi siya kaya inaakala ng iba na salbahe siyang tao. Pero I don't think that way, kasi kung masama pa nga siya, he would'nt have come here and save us, right?"
Hindi ako nakasagot. Hindi dahil sa hindi ako sang-ayon sa sinabi niya, kundi dahil sa nag-aalinlangan ako sa narinig ko. I still don't know if how should I put this. Klaro niyang sinabi sa amin ni Harlem kanina na hindi siya lumalaban para sa'min. Kahit sinong tao na sasabihan no'n ay iisipin talagang hindi siya kakampi. He even speak lowly on us, obvious masyadong kinakaayawan niya kami. Siguro sa amin lang, pero kay Asther hindi.
Baka nga gano'n iyong gusto niyang ipunto. Hindi siya sumama sa'min dito dahil gusto niya kaming tulungan, kundi baka dahil kay Asther na kinakapatid niya.
"Sabagay, ninong niya Daddy mo e. Iingatan ka talaga niya," sabat ni Jaden. "Kahit sino naman siguro gagawin iyon. Para na rin kasi kayong magkapamilya."
Lihim akong sumang-ayon.
"Pero kahit na, wala ka na sa mansion niyo. Hindi na uso rito iyong señorita behavior," dagdag niya ulit sabay bitbit ng mga platitong naglalaman ng mga hiniwa namin. "Kaya tulungan mo ako ritong bitbitin lahat ng mga 'yan sa baba para maluto na nila Vail 'yan."
"What? Ayoko nga. I'm not going to leave Cerise here alone. Kung gusto mong bumaba, bumaba ka. Hindi ako aalis dito."
"Pasaway. Kapag talaga ako iyong nagluto Asther at 'di ka tutulong. Sinasabi ko sa'yo, huwag na huwag kang kakain!"
Sa halip na mainis ay nakipag-asaran pa lalo si Asther kaya naman ay sinamaan lang siya ni Jaden ng tingin sabay lumakad paalis.
Niligpit niya ang mga ginamit namin saka tinapon sa basurahan iyong lahat ng kalat namin dito sa mesa.
"Curious lang ako," pagkuha ko sa atensyon niya kaya naman ay nilingon niya ako. "'Di ba class representative si Sivan sa Alpha? Hindi ba siya hinahanap ng mga iyon?"
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Ficção Científica"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...