Chapter 32

152 13 4
                                    

"Tangina, ang sakit naman nito sa ulo!"

Wala sa wisyo kong nilingon si Maize na ngayon ay salubong ang kilay habang nakaharap sa screen ng cellphone niya.
Ginagawa na namin ngayon iyong mapang iniutos sa amin ni Sir Diaz.

Matapos kasi ng meeting ay nagkaniya-kaniya kami ng gagawin dito sa loob.
Sila Ervise, Yobi, at Harlem ay nasa ibaba at gumagawa na naman ng panibagong invention. Sa likod kasi ng tindahan ay may nakatayong shop. May kalakihan iyon at parang ginagawa lang ng may-ari na bodega. Ang sabi nila ay marami raw gamit na nandoon. Ang mas maganda pa ay halos lahat ng nasa loob ay puro bago. 

Si Vail, kasama si Asther at Jaden ay nasa second floor at abala sa paggawa ng panibagong version ng chasers.

Habang kaming dalawa ni Maize ay nandito sa balcony at pahirapang inaalisa ang mapa. Hindi naman ako nagrereklamo dahil mas ikinatuwa ko pa nga iyong naging set up namin.

Parang dati lang halos kumulo iyong dugo ko kaiisip kung paano ko nga ba magagawan ng paraan na ipaintindi sa kanila na may magagawa kami. Pero ngayon, mismong si Lieutenant na ang nagbigay sa amin ng chance. Kaya ayaw kong sayangin 'to.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yong magvolunteer ka?" ganti ko habang pinagmasmasdan nang maigi ang monitoring device na pinahiram sa akin sandali ni Sir Diaz.
Kinukumpara ko lang ang terrain na nakalagay roon mula sa online map na nasa cellphone ni Maize. Halos magtatatlong oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nangangalahati.

I kinda expected this. Hindi pa rin naman kami gano'n ka expert, pero at least may nasimulan kami kahit papaano.

"Akala ko kasi madali!" deklamo niya sabay hilamos ng mukha.

Ang taas ng kumpyansa niya kanina habang kausap si Sir Diaz. Talagang sinulat niya ang mga bagay na dapat naming tandaan sa paggawa ng mapa, pero ngayon para na siyang nilayasan ng sipag dahil sa hirap.

"Kailan pa naging madali ang gumawa ng map, baliw ka ba?" angil ko. "Sa laki nitong Navatican? Imposible masyadong magagawa nating matapos 'to sa loob lang ng dalawang araw."

Mas lalo lang siyang nagreklamo.

Tipid na lang akong napailing sa ginawa niya at piniling ituon ang atensyon ko sa monitor.

But the good thing here is, we don't have to draw the map in a paper. Hindi na siya gano'n kahirap gawin lalo na at hindi traditional na mapa iyong ginagawa namin.

Maize is using her phone right now to create a 3D map of the whole city. Siya ang taga lagay, ako naman iyong naggaguide sa kaniya regarding sa bawat boundaries ng mga lugar.

Nilapit ko sa kaniya iyong draft ng mapa na ginawa ko, puro barangay lang ang nakasulat doon pero sakto na para gawing guide.

Tinanggap niya naman iyon kaagad saka pinasadahan ng tingin ang ginawa ko. Akmang magtatanong na sama ako para malaman kung may kulang pa ba pero hindi na iyon natuloy nang bigla siyang natawa.

"Para kang timang, Cerise. Bakit mo naman sinulat dito iyong pangalan mo?"

Wala sa  wisyo akong dinumog ng hiya. Babawiin ko na sana iyon para burahin pero mabilis niya naman iyong nilayo para pagtawanan.

Sigh.

There is no particular reason for that matter, to be honest. It's just a natural inclination of a person to write his or her name upon holding a paper. Hindi lang naman ako iyong gano'n.

Binaba niya sa mesa iyong papel sabay dampot ng isang lapis sa mesa. Akala ko nga ay buburahin niya na iyong sinulat ko, pero itatabi niya lang pala iyong pangalan niya.

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon