Agad akong nagpasalamat sa kaniya matapos niya akong iligtas, pero hindi niya ako sinagot na siyang hindi ko na rin pinansin pa.
Tangina, siguro kung hindi siya dumating, wala na ako. Ito na iyong pangalawang beses na nagawa niya akong iligtas. Pero ito lang iyong unang beses na nagpasalamat ako sa kaniya.
Rumadyo si Sivan sa officer niya matapos no'n. Pinaalam niya lang na nakita niya kaming tatlo. Akala ko nga si Lieutenant Leonor ang tatawagan niya pero hindi pala.
Nabigla pa ako noong una dahil nga sa nagkaroon na siya ng sarili niyang radyo. Nawala sa isip ko na siya pala ang pinaka pinagkakatiwalaang aspirant nila Lieutenant.
"Let's head back to your camp," biglaan niyang desisyon na siyang ikinakunot ng noo ni Yobi.
"Sivan, doon na kami galing. Hindi na safe na balikan iyong building na iyon," kontra niya na siyang hindi ko na tinutulan. Maraming nakita si Sir Diaz kanina na mga grupo-grupong mga halimaw. Baka nandoon pa rin iyon hanggang ngayon.
"Kung hindi kayo babalik sa camp niyo, saan kayo pupunta?" may awtoridad niyang tanong. "Lieutenant de Leon is not with you, she's still in the verge of searching your camp mates. The only words that she left was to stay inside your camp no matter what happens."
Tinignan niya si Asther bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You heard her loud and clear earlier, right?"
Saglit namang nagsalubong ang kilay ko matapos kong marinig ang sinambit niya. Ibig sabihin ay nandoon siya kanina kasama nila Asther? Knowing his current position, ginawa na nga talaga siyang side kick nila Lieutenant Leonor. Do they really trust this guy that much?
Tumango ang kaklase ko bago sumagot. "Yes, but the situation have changed, Sivan. The guards are no longer alive, that's why we ran away from the camp."
"Running away from your building means risking your life here outside. Tignan mo iyong nangyari," pagsermon niya saka tinuro ang pwesto ng alien na kanina lang ay tinapos niya. "Muntik na kayong mamatay tatlo nang dahil sa pag-alis niyo sa camp. Kung hindi pa ako dumating, nakakasiguro ba kayong buhay pa kayo sa mga oras na 'to?"
"We could have died if we choose to stay up there. Those aliens, they are up to something. Grupo-grupo na naman silang nagsilabasan kanina so we are left with no choice but to go out," sagot ni Asther. "Kung hindi kami lumabas, matatrapped kami sa loob. We can't withstand their forces, they're too strong to handle."
Nang hindi naging kumbinsido si Sivan sa naging depensa ni Asther, doon na ako nagsalita.
"We can't stay there anymore. Maraming mga aliens ang pumapalibot sa building namin kanina. Masyado nang delikado kung doon mo pa kami pababalikin," gatong ko pa kaya naman ay sa akin na naman siya tumingin.
"So ano, susuway ka na naman sa akin kahit sa pagkakataong 'to ha, Cerise?" diretsa niyang sabi dahilan kung bakit napatingin sa aming dalawa si Yobi at Asther.
Damn, is he trying to pull a little entertainment here?
"Wait, you guys know each other na ba?" tanong ni Astger na halatang hindi makapaniwala. Sino bang hindi? Ang alam nila ay wala akong kaclose sa mga batchmates namin. Section Charlie nga lang iyong kinakausap ko e, mailap din kasi akong tao.
Mas lalong nakakagulat kay Sivan. Ni hindi nga 'yan namamansin nang kung sino-sino e tapos bigla siyang aasal na parang close kami sa mismong harapan pa ng mga kaklase ko?
"Let's just say that this is the second time we've met informally. The same happenings, and exactly the same situation," makahulugan niyang banggit nang hindi man lang ako tinapunan ulit ng tingin. Nanatili lang ang mata ko sa kaniya pero hindi niya man lang ako nagawang lingunin.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...