"I can't stand this."
Kusa kong nabalik ang tingin ko kay Harlem matapos niyang sabihin iyon. Nandito na kami sa labas ng building at nakaupo sa bench na nakapwesto sa ilalim ng puno.
Kanina pa kami pinalabas ni Lieutenant, pero sa halip na umuwi sa camp ay dumiretso kaming dalawa rito.
"She wants us to keep this matter from them?" dagdag niya bago mapaklang ngumisi. "What on Earth is she thinking? They deserve to know about this."
Ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita niya. Halata masyadong hindi niya tanggap iyong naging desisyon ng officer namin. But who are we to oppose them in the first place?
"Let's stick to what she have said for now," pasya ko dahilan kung bakit niya ako nilingon. "I know that hiding this thing from them would be a foolest decision, pero ito lang iyong magagawa natin sa ngayon."
"You're unbelievable," wika niya saka ako kunot-noong tinignan. "Hindi mo ba ako narinig? Deserve nilang malaman iyong tungkol dito, Cerise. They deserve to know what we just saw."
"I know, Harlem. I know," tugon ko sa kaniya bago huminga nang malalim. "Pero kung sasabihin natin iyon, paniniwalaan ba nila tayo? They already took care of it. Sa sobrang linis ay wala tayong mabibigay na pruweba para sabihin sa kanila ang totoo."
Kung sana naging maayos lang iyong pagkuha ko ng picture kanina, baka pinagsabi ko na. Pero ang kaso ay hindi iyon malinaw. Sa dalawang shots na pinucturan ko, wala talaga akong nakuhanang maayos. Dito ko na rin nalaman no'ng nasa labas na kami.
Ginusto ni Harlem na makita iyong picture para sana matignan at mapag-aralan niya kung ano nga ba talaga iyon. Pero wala, pareho kaming walang napala dahil sa labo ng kuha ko.
Marahan niyang iniwas ang tingin niya sa'kin saka pabagsak na sinandal ang likuran niya sa semento.
Nang dahil sa sinbi kong iyon ay mas lalo lang na sumama ang timpla ng mukha niya. Hindi ko na lamang pa pinalaki ang usapan namin at pinili ko na lang ding manahimik.
My hunch that something is going on with this planet was right. Tama ang hinala kong may tinatago nga ang gobyerno mula sa amin. Ginusto kong malaman iyong totoo, pero hindi ko naman alam na magdadala pala ng takot iyong katotohanang iyon sa sarili ko.
I don't think if knowing that type of secret is a good thing or not. It's a good thing that I am already aware and wouldn't get fooled again. But the fact that I cannot see the world the same way as before, is seriously making me anxious.
Hindi ako mapalagay. At gaya ni Harlem, nagdadalawang-isip din ako. Pinipilit ko lang ang sarili ko na sumunod sa sinabi ni Lieutenant dahil sa ngayon iyon lang ang naiisip kong tama.
Sana nga tama.
"Fine, if you say so." Agad akong napalingon sa kaniya matapos niya akong sang-ayunan. "But dont expect that I will going to keep this fucking matter hidden for too long."
Hindi ako nag-iwas ng tingin at gano'n din siya sa'kin.
Dinumog ako ng gulat hindi dahil sa pamamaraan ng pagtingin niya sa'kin kundi dahil sa bigla niyang idinugtong. Shit, huwag niyang sabihin sa'kin na gusto niyang ilabas iyong tungkol dito?
Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para makapagsalita pero agad niya akong inunahan.
"You know how I hate the idea of being ordered around. It's disgusting."
Tumalikod siya sa'kin kaya napatayo ako sa bench para magpahabol ng salita.
"You have to keep your words, Harlem," paalala ko. "Huwag mo 'tong ipagsasabi."
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...