"Maxine!"
Agaran akong lumapit sa pwesto niya para daluhan siya. She's soaking in sweat. Basang-basa iyong mukha at bandang leeg niya na para bang kagagaling niya lang sa walang humpayang pagtakbo.
Shit, is she being chased by aliens?
"Anong nangyari sa'yo, Ax?" Nag-aalala kong tanong kasabay ng pagsandal ko sa kaniya sa pader.
Habol ang hininga siyang napapikit kaya hinayaan ko muna siyang makalanghap ng hangin. I could feel how her body trembles as she lay down the floor due to exhaustiontion.
Ilang saglit ko siyang inantay na makabawi hanggang sa isang tagpo ang bigla na lamang gumulat sa'kin.
Agaran kong naramdaman ang pagtama ng blade ni Sivan sa mismong gilid lang ng buhok ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos kong pasadahan ng tingin ang talim ng sandatang hawak niya.
"What on Earth are you doing?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa blade.
Pero sa halip na bigyan niya ako ng sagot, mas nilapit niya lang lalo ang dulo ng hawak niya sa mismong mukha ni Maxine.
Iyon din ang naging rason kung bakit tuluyang nagdilat ng mata ang kaharap ko. Nagulat pa siya no'ng una dahil sa presensya ng kasama ko kaya wala sa wisyo niya akong nahila palapit sa kaniya.
Gulat akong bumagsak sa sahig kasabay ng pagharang niya ng sarili niya sa'kin. Sa bilis ng naging kilos ni Maxine ay halos hindi ko namalayang nakatayo na siya sa harapan ko habang tinatago niya ako sa likuran niya.
"Are you with him, Cerise?"
"O-Oo, kasama ko—"
"Damn it, so you're teaming up with the wrong person."
Teka, ano? Tama ba iyong pagkakarinig ko sa sinabi niya?
Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong para malinawan man lang. Pero hindi ko magawang ibuka iyong bibig ko dahil sa tensyong bumabalot ngayon sa kanilang dalawa.
Dahan-dahang nabalik ang tingin ko kay Sivan na ngayon ay diretso lang ding nakatitig kay Ax. Sa kaniya na ngayon nakatutok ang blade niya.
Sa sobrang lapit ng talim sa gawing leeg ni Maxine ay mahahalata ko talagang hindi siya magdadalawang isip na gamitin iyon laban sa kaniya.
I was left speechless by how Sivan throw his threatening gaze on her. Iyong titig na binibigay niya ay parehong-pareho sa kung paano niya tignan si Asther. Punong-puno iyon nang paninindak.
"I never thought that you're tough enough to survive, Max. It's been almost a month since we last seen each other, isn't it? But how come that you're still alive?" blangko niyang tanong pero pagak lang siyang tinawanan ni Maxine.
"Ah, so you also want to see me dead? What a heart-warming message to hear. Is that how a leader greet his comrade then?"
Sandali, magkasama sila?
Agarang dumapo ang mata ko kay Maxine. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na magkaklase pala silang dalawa. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganito sila umakto sa harapan ng isa't-isa?
"Comrade? Don't make me laugh. How could you still call yourself as my comrade after you betrayed the team?" sagot ni Sivan. "Maayos iyong naging usapan at plano natin. We just have to stick and trust on Lieutenant Sardika's plan. But what did you do? You choose to ruin it."
"Now you're blaming me for what happened? I didn't do something wrong, Sivan! Kung may mali man dito, paniguradong kayo na iyon!"
Tahimik kong pinapakinggan ang away nilang dalawa. Pilit kong iniintindi kung ano ba ang nangyari dahil nga sa hindi lang sila ang involved sa isyu, kundi pati na rin ang Lieutenant ng Alpha.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Ficção Científica"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...