Chapter 27

147 12 6
                                    

"Vail..."

Iyon ang nag-iisa kong nasabi matapos ko siyang makita sa mismong harapan namin. Nakatayo lang siya doon, nakatingin sa pwesto ko, at inaantay nang maigi ang sagot na gusto niyang marinig.

"May dapat ba kaming malaman tungkol kay Eeve, Cerise?" muli niyang tanong rason kung bakit wala akong ibang nagawa kundi ang tignan siya gamit ang nanunubig kong mata.

Bigla na lamang akong nawalan ng lakas ng loob na magsalita dahil sa nakikita ko ngayong ekspresyon sa mukha ni Vail, puno iyon nang kainosentehan.

I silently curse.

How could I bring myself to tell her the truth when she already thought that our friend leaves the camp to go home? Paano ko sasabihin sa kaniya na hindi nakauwi si Eeve? Na hindi na siya makakauwi pa dahil hindi na namin siya kasama sa mundong 'to?

Pagak na natawa si Harlem rason kung bakit ko siya nilingon.

"Don't tell me I was the only one who thought that they were lying about Eeve from the start?" Una niya akong tinignan at agaran naman akong tinablan ng hiya dahil talagang diniinan niya ang pagkakasabi no'n.

Damay ako sa pinapatamaan niya, lalo na at isa naman talaga ako sa nagsinungaling tungkol dito.

"Don't you really know how to read between the lines, Vail?" asik ni Harlem kaya wala sa wisyong nabalik ang tingin ko sa kaniya. "Eeve's disappearance was too quick. Do you seriously think that she'd leave the camp immediately without informing any of us? Hindi ka man lang ba nagtaka na bigla siyang nawala nang hindi nagpapaalam sa'yo?"

"Harlem, calm down. Huwag mong pa—"

"Out of all people here, you should be the one who would quickly guess that something fishy is going on with Eeve. Hindi mo man lang ba nahalata? Hindi lang naman si Eeve iyong nagkaroon ng emergency ah, pero bakit siya pinayagan daw na makalabas pero iyong iba hindi?"

Hindi nakakibo si Vail, gaya ko ay natahimik din siya.

"Doon pa lang sa puntong ininform nila tayo sa biglaan niyang pag-uwi, nagduda na ako. But you, Vail, of all people who knew Eeve, you just quickly buy their fucking reasons. Nakakainis lang kasing isipin na por que sinabi nila Lieutenant na ganito ganiyan, sinasakyan niyo kaagad. Ano, hindi ba kayo marunong mag-isip?" dagdag niya saka niya inilipat-lipat iyong tingin sa aming dalawa. "Ang hirap kasi sa inyong dalawa, ang bilis-bilis niyong pasunurin."

Marahan akong napapikit dahil hindi ko nagawang iiwas ang sarili ko sa katotohanang binitawan niya. How could she slapped me with truth in the most quickest way?

But instead of complaining, I remained still. Deserve kong marinig iyong sinabi niyang iyon.

"But Ms. Lee assured us that she went home, right? Klaro iyong sinabi niya, Harlem. Pinauwi nila si Eeve dahi—"

"That excuse was just a fucking lie!" Bahagya akong nagulat nang tuluyan na nga siyang nagtaas ng boses.

Ito iyong unang beses na nakita ko siyang sumigaw nang gano'n. At ang mas nakakagulat pa, si Vail iyong pinagtaasan niya ng boses.

"Eeve is gone, Vail. Eeve died without letting everyone know!" Sa isinigaw niyang iyon ay tuluyang umagos ang luha sa mata ng class rep namin. Paulit-ulit siyang umiiling waring hindi naniniwala sa narinig. Pero nang kinumpirma ko na totoo ang sinambit niya ay doon na nga siya napatakip ng bibig.

Umiyak siya nang umiyak sa harapan namin na siyang labis na nagpahina sa'kin. Nanlambot ang mga tuhod ko habang pinapanood siyang pagdamhalatian ang pagpanaw ng kaklase at kaibigan namin.

I could see how broke Vail is, parang nakikita ko iyong sarili ko sa pwesto niya no'ng una.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay nagulat ako nang bigla akong dambahin ni Harlem.

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon