Chapter 40

149 12 15
                                    

Naalimpungatan ako kaya ako nagising. Inaantok akong nagbukas ng mata kasabay ng sunod-sunod kong pagkusot no'n.

Hindi ko na alam kung anong oras na ba, pero sigurado akong madaling araw na ngayon.

Tinignan ko sila Maize. Mahimbing pa rin silang natutulog at ako lang iyong nag-iisang gising.

Pero sa halip na bumalik ako ulit sa pagtulog ay pinili ko na lang din na bumangon. Tutal nawala na rin naman iyong antok na nararamdaman ko, hindi na ako hihiga pang ulit. Maaalibadbaran lang ako sa hilik ni Jaden.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa katawan ko at kay Maize ko iyon pinatong. Iisa lang kasi iyong kumot na ginamit namin dahil nga sa halos na kay Asther lahat.

Nilingon ko siya. Mabuti na lang talaga at nagustuhan niya iyong pag-ayos ni Harlem. Ang lakas niya pa namang magreklamo dahil nga sa nasisira raw iyong beauty sleep niya.

Maingat akong tumayo saka ginilid iyong mga unan. Tahimik akong pumasok sa sala at ginamit iyong lighter ni Harlem pang-ilaw. Iniwan niya lang kasi sa mesa kaya hindi na ako nagdalawang-isip na damputin.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Sa paghawi ko pa lang sa kurtina ay saglit akong natigilan nang makita ko si Sivan sa loob. Nasa tapat din syua ng ref, nakahawak ng pitsel, at diretsang tumingin sa'kin.

"Di bale na pala," wala sa wisyo kong sabi sabay tumikhim.

Patay-malisya akong tumalikod at akmang aalis na sana pero bigla siyang nagsalita.

"Gusto mong uminom?"

"Hindi na," diretsa kong tanggi. "Nagbago na isip ko."

Binitawan ko na nang tuluyan iyong kurtina at iniwan ko siya sa loob.

Kung kausapin niya ako parang hindi niya kinontra nang kinontra iyong desisyon ni Lieutenant na palayasin si Asther ah. Akala niya sigreo na por que humupa na iyong tensyon ay okay na sa'kin iyong nangyari.

Habang lumilipas nga iyong mga araw ay mas lalo lang niyang dinadagdagan iyong rason ko para kaayawan siya.

"Are you still upset about what happened last night?" kalmado niyang tanong pero hindi ako sumagot. "Fine, so be it. Kasuklaman mo ako, isumpa mo iyong buong pagkatao ko. But don't expect me to apologize, because I don't have any plans to take back my words."

Lihim akong nagmura.

"Hindi ka lang pala hambog, wala ka rin pa lang puso," banggit ko. "Can you still hear yourself, Sivan? You're speaking as if you did not do something wrong."

"All my life, I was never wrong, Cerise. Kung ano man iyong nakita at narinig mong ginawa ko, mali man iyon sa mata mo pwes wala akong pakialam. I just did what I think is right."

"Then do you think shooting Asther at that time was the right thing to do?"

I don't understand as to why he have to do it. Maiintindihan ko pa kung sa iba niya iyon gagawin, pero sa kaniya? Sa mismong pamilya niya? Iyon ang hindi ko magawang tanggapin. How could he pull the trigger without even contemplating?!

"I don't care if she is a family or what. Ginawa ko lang kung ano ang dapat. She's not even special to me so why would I bother to—"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita nang tuluyan akong napuno. Dala ng init ng ulo ko ay agaran ko siyang nasampal.

"I disgust someone like you," mariin kong sabi. "How can you still call yourself as a leader after you attempted to kill your comrade? Hindi iyon gawain ng isang matinong tao, Sivan. And what did you say? You call her as a monster? Ang kapal naman ng mukha mong tawagin siyang gano'n gayong sa inyong dalawa, mas ikaw pa nga iyong umaasal na halimaw!"

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon