Chapter 55

177 16 4
                                    

"Kaya kitang labanan. Mutant sa mutant."

Matapos iyong sabihin ni Asther ay humakbang siya papalapit kay Sardika. Walang takot siyang lumapit habang hinahanda ang kaniyang buhok.

"You shit. How could you hurt him this bad?!"

Sa halip na sagutin niya siya ay nilingon lang kami ulit ng kaklase namin.

"Leave her to me. You guys can go," pasya niya na siyang ikinagulat ko.

"A-Asther, you don't have to do this."

Ngumiti siya sa'kin bago nagsalita, "I would be fine, Cerise. Don't worry, hindi ako magtatagal dito, susunod ako sa inyo kaagad."

Bago pa ako makasagot ay agaran na akong nahila ni Maize palabas. Hindi sumunod sa amin si Vail dahil siya ang magpapaiwan para para hanapin ang control na magpapalaya kay Lieutenant.

Pag-apak pa lang ng paa ko sa labas. Doon ko nakita na nagkakagulo na sa mga pasilyo. Marami na rin akong naririnig na mga putukan. Kabi-kabila na iyong mga sigawan. At ang mas nagpadala ng takot sa'kin ay ang mga bangkay na nagkalat ngayon sa sahig.

Parang bumalik sa ala-ala ko ang eksaktong mga senaryo na mayroon ang Nexus. Hindi ako nagkakamali. Ganitong-ganito iyong nangyari no'ng nasa school pa lang kami.

Nabahiran ng dugo ang napakaputing sahig at pader ng base. Kanina hindi naman ganito kagulo ah? Just... just what on Earth happened here?

Bago pa ako makapagtanong ay kusa na lang akong nakarinig ng malakas na pagsabog. Bahagyang yumanig ang gusali kaya pareho kami ni Maize na napasalampak sa sahig.

"Damn, we have to hurry!" sigaw niya sa'kin saka ako dagliang tinayo.

"A-Ano bang nangyayari?" tanong ko. "Bakit nagkakagulo?"

"The eggs above started to hatch, Cerise. Halos magkakasabay ang pagkakapisa ng mga itlog kaya ang bilang ng mga alien na binabagsak dito ngayon sa lupa ay halos triple na ang dami kumpara sa first wave ng invasion," paliwanag niya na siyang ikinagulat ko.

Shit, ibig sabihin ito iyong tinutukoy ng alien kanina tungkol sa mga itlog? Nawala na sa isip ko ang tungkol doon dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.

"Niradyuhan ako kanina ni Captain Ramos at siya ang naginform sa'kin tungkol dito. He told me that I should temporarily keep you guys here inside until the situation cool down a little. Malabo tayong makalabas ngayon dahil sa acid rain na halos magtatatlong oras nang bumubuhos. At hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil."

Damn it, this is indeed bad. Bakit kailangang ngayon pa sumakto?!

"Nasaan ang iba?" tanong ko rason kung bakit saglit niya akong nilingon.

"Nandito silang lahat sa loob ng base. Si Captain Ramos sinama sila Jaden para puntahan ang kabilang selda. The General and the other ranking officers were locked there inside. Nasa kabilang building naman si Private Diaz at Harlem, they are trying to contact the other cities to ask for back up."

I see, the plan was completely changed in just a matter of hours. Magtatatlong oras na pala ang tinagal namin dito sa loob, pero sa halip na matapos ang problema namin mas lalo lang iyong nadagdagan.

"But where are we going?"

"We have to stop Sardika's plan, Cerise."

Gulat akong napakunot ng noo.

Ano?

"Can you still recall the things we saw inside the supply truck?" Tumango ako. "That was a dismantled parts of a missile. Nagpasupply si Sardika ng napakaraming missiles para sirain nang tuluyan ang barrier. She is planning to get rid of that shield in order for the aliens to fall freely."

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon