"Are you really sure that you're going to do this, Vail?"
Sa ikatlong pagkakataon ay muli ko na naman siyang tinanong. Napag-usapan na namin kung ano ang gagawin at ngayon ay naghahanda na ang lahat para gawin ang plano.
"Look, you can still take back your words. We still have some time, pwede namang ako na lang—"
"Cerise, hindi na," paniniguro niya sa'kin. "The plan is already set, right? We can't just make a last minute changes just because you're worried for me. Tsaka, ayaw ko namang iasa na lang ang lahat sa inyo. Let me do this as the class representative of Charlie."
Ngumiti siya sa'kin bago niya ako tinapik sa balikat. "Ibigay niyo na sa'kin 'to."
Iniwas niya na ang tingin niya saka dumiretso sa bato para daluhan ang iba.
"Ce, tara na," aya ni Maize sa'kin sabay hila sa kamay ko paalis.
Wala na nga akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kaniya. Nilingon ko ang mga kasama ko sa pinakahuling pagkakataon bago ako nagpasyang kumilos na.
Kaming dalawa ni Maize ang magkasama sa misyon naming 'to. We are tasked to sneak inside the military base which is located just beside the evacuation site.
Si Vail at si Asther ang siyang kikilos para umalis sa kweba hanggang sa abutan sila ng mga sundalo. Sila iyong magpapatuloy sa naantala naming plano papuntang Zanduello. Si Captain Ramos, kasama sila Ervise at Jaden ang siyang magsisilbing back up sa kanila kung sakali mang magkaipitan. Habang si Sir Diaz at Harlem ang mag-aantay ng tawag namin para sunduin kaming lahat sa labas.
We are separately doing the plans. Sinadya talagang ihiwa-hiwalay kami dahil na rin sa maliit na posibilidad na mapagtagumpayan namin ang planong 'to. But I am silently hoping and holding even on the slightest chance that this will work.
Makailang beses na akong nagdasal. Ilang ulit na akong humingi ng gabay sa Diyos hindi lang para hingin sa kaniya na magtagumpay ang balak namin, kundi pati ang gabayan niya kami at panatilihing ligtas hanggang sa matapos nga ang misyon.
Magkasabay naming binaybay ni Maize ang gawing dulo ng kweba. Sinundan namin nang sinundan ang agos ng tubig. Habang pailalim kami nang pailalim ay mas lalo lang na lumalakas ang bugso no'n. Hindi nga ako nag-expect noong una na ganito pala talaga kalaki ang kweba na napasukan namin. Ngayon ko lang talaga nagawang lakarin 'to nang matagal-tagal.
"Be careful with the stones," bilin ni Maize sa'kin na siyang tahimik kong sinunod. Siya ang nangunguna ngayon at nanatili lang ako sa likod niya para sumunod.
Bukod sa matutulis na ang mga batong nandito, madulas na rin ang mga iyon. Kaya kailangan naming magdoble -ingat.
"Sigurado ka bang kaya mo 'tong mag-isa, Ce?" biglaan niyang tanong sa'kin kaya sandali ko siyang tinignan. "Sabi ni Captain Ramos, marami raw ang mga sundalong nakabantay sa labas ng base. Kung gaano raw sila kahigpit maggwardiya sa labas, mas triple na raw iyon sa loob."
Sinabihan na rin naman kami ni Captain patungkol dito sa totoo lang. Ilang paalala iyong paulit-ulit nilang binilin sa'min dahil nga sa masyadong delikado 'tong gagawin naming dalawa.
Huminto siya sa paglalakad sabay lingon sa'kin. "You know, instead of going there alone, we can just go together. Sabay na tayong kumilos para hindi na natin kailangang maghiwalay sa loob. Ano sa tingin mo?"
Umiling ako.
"This is why I am putting my whole trust in you, Maize. Ikaw ang nakatoka sa pagshut down ng security system ng base. Kung gagana ang plano mo, gagana rin ang sa'kin," sagot ko. "As much as I want to go with you, we have to do this thing separately."
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Bilim Kurgu"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...