"CERISE!"
Namimilog ang mata kong nakatingin sa kamay ni Sardikang tumusok sa gawing tiyan ko.
Halos mapaawang ang bibig ko matapos kong mailipat ang tingin ko sa kaniya. Bakas ang saya sa mukha niya nang makita akong hindi nakailag sa surpresa niyang pag-atake.
Ilang segundo akong nanatiling nakatayo. Pero sa halip na makaramdam ako ng sakit, Ni kahit katiting na kirot ay nakakapagtakang wala man lang akong nadama.
"You forgot about me already?"
Matapos kong marinig ang alien ay kusa na lang siyang lumabas mula sa damit ko at malakas na tinulak si Sardika.
Napalayo siya sa'kin nang ilang metro pero hindi iyon naging sapat para patumbahin siya nang tuluyan.
"I told you earlier, I could sensed something behind this door. But you're too persistent to go in."
"It's not that important, we're already here."
Gumapang ulit ang alien sa'kin at huminto siya sa kanang balikat ko. Sandali kong sinulyapan ang aking damit. Tuluyan talaga iyong nabutas dahil sa ginawa niyang pagsaksak sa'kin. Kung hindi pa dahil sa alien na nakatago sa ilalim ng damit ko, paniguradong nagawa niya akong patayin nang isang saksak lang.
"She's that mutant I'm talking about."
Muling nagawi ang tingin ko sa magkabila niyang braso. Nagmistulang parang patalim ang kaniyang siko hanggang sa gawing kamay. Kung tutuusin para iyong kasintulis ng isang espada.
So she opt to use her hands as a tool then?
Walang duda, siya nga ang mutant na may napakalaking kasalanan dito. Makasakanan na nga siya bilang isang tao, lalo na ngayon na isa na siyang mutant.
Tahimik kong tinignan si Sardika na ngayon ay halos naguguluhang nakatingin sa pwesto ko. Nagtataka siya siguro kung bakit may alien ngayon na nakabantay sa'kin.
Palipat-lipat ang tingin niya sa mukha ko at sa alien. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nakakabawi.
"I-Imposible," pauna niyang sabi. "N-No, this is fuck up. Are you trying to trick me, Cerise?!"
"I am not tricking you, Sardika. What you see right now is not some sort of hallucinations. Can't you see it?" Tinuro ko ang punit na parte ng suot kong damit. "You almost killed me, but this friend of mine managed to block your attack. Pinrotektahan niya ako."
Inosente ko siyang nginitian saka dahan-dahang lumapit sa kaniya.
"How could that monster choose your side when you're not even a mutant?!"
Mutant.
What a strange word to hear. It sounds so odd yet powerful as the same time.
Huminto ako sa harapan niya rason kung bakit mas nasalubong ko lalo ang nagbabanta niyang mata.
"Have you ever asked yourself if what does it mean to be a mutant, Sardika?" diretsa kong tanong.
Noong una akala ko hindi niya ako sasagutin. Pero tumayo siya mula sa pagkakahiga sa lamesa saka iyon sinipa palayo sa pwesto namin. Kumalansing naman sa tiles ang mesa at miski ang laptop ay tumilapon din sa sahig.
"Being a mutant is a one time privilege, Cerise. It can offer you so much power that even a mere person couldn't afford to have. This evolution of a human can turn you into something superior in a snap without any effort."
Power. Authority. Superiority.
Those are the factors that drives a person to become like one.
I could still remember how that alien asked me if, by any chance, I desire to be a mutant. At agaran ko siyang sinagot ng hindi.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...