"Asther!" sigaw ni Yobi at doon niya tinulungan si Sir na buhatin ang kaklase namin para ihiga sa kama. Lumapit naman ako para tignan ang lagay niya. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili niya at mabuti na lang at wala naman akong malalang sugat na nakita.
Salamat sa Diyos at purong maliliit na gasgas lang ang nakuha niya.
Tinapik ko siya sa mukha upang gisingin. Sa pagdampi pa lang ng palad ko ay agaran kong naramdaman ang malamig niyang balat. Naliligo si Asther sa pawis kaya agaran kong ginamit ang aking panyo para punasan siya.
"Asther, gising," muli kong banggit at bahagya kong nilakasan nang kaunti ang pagkakatapik sa kaniya. Sinubukan ko rin siyang alugin nagbabakasakaling magising siya sa ginawa ko.
At hindi nga ako nabigo, lalo na nang dahan-dahan niyang ginalaw ang ulo niya waring naaalimpungatan. Sunod niyang binuka nang paunti-unti ang kaniyang mga mata at matamlay niyang itinutok iyon sa'kin.
Nag-aalala ko siyang tinignan matapos magtagpo ang mga tingin namin. Tulala siyang nakaharap sa'kin na animo'y hindi pa rin tuluyang nakakabawi mula sa pagkakagising.
"Asther," tawag ko. "Naririnig mo ba ako?"
Muli ay tanging tingin lang ang ipinukol niya sa akin. Ilang segundo pa kaming nagtitigan dalawa hanggang sa namuo ang luha sa kaniyang magkabilang mata.
Sunod ko na lang na namalayan ay ang dire-diretsa niyang paghikbi dahilan kung bakit wala sa wisyo ko siyang nayakap upang patahanin. Nanginginig niyang sinuklian ang yakap ko rason kung bakit mas lalo lang akong naalarma sa inasal niya.
"C-Cerise..." tawag niya sa'kin kasabay ng pagbaon ng mukha niya sa gawing leeg ko. Iyak lang siya nang iyak na halos hindi ko na malaman kung paano siya patigilin.
Nilingon ko si Yobi, maging siya ay nag-aalalang nakatingin sa kaklase namin. Sumulyap siya sa'kin saka ako sinenyasan na hayaan lang si Asther na ilabas ang kaniyang emosyon.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang sumunod lalo na ngayon na tila wala siyang balak na bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
Nilukob ng awa ang puso ko habang pinagmamasdan siyang lumuluha sa harapan ko. This is indeed worst. Asther's behavior is quite alarming. Ni hindi ko man lang lubos maisip kung anong klaseng bangungot ang sumalubong sa kaniya para umasal siya nang ganito.
"Nandito na kami," mahina kong sabi saka ko dahan-dahang hinaplos ang buhok niya. "May kasama ka na.""
"There's no bloodshed left here inside," imporma ni Sir Diaz matapos niyang libutin ang loob ng camp namin. "Malaki ang tiyansang nakaalis ang mga kaklase niyo bago pa sila matrapped nang tuluyan sa mga rooms, gaya ng mga nadaanan natin kanina sa labas."
"Kung nandito sila kanina sa camp, bakit naman sila aalis?" untag ni Yobi. "Protektado ng mga sundalo ang mga kampo diba? Sa dami ng militar na incharge sa bawat campsite, imposibleng hindi nila gawing temporary evacuation ang area rito."
Pansamantala akong umiling bilang tugon sa sagot niya. Totoo ngang bantay-sarado ang camp. Nakaalarma na ang pwersa kanina matapos umulan ng asido. Narinig ko pa nga iyong announcement kanina na pabalikin ang mga estudyante sa camps or rooms para bantayan nang maigi. But still, that wasn't enough.
"We can't withstand the alien's force, Yobi," sagot ko. "Masyado silang marami. Masyado silang agresibo. Buti sana kung hindi sila mahirap kalabanin, but no, they are not an easy opponent."
"Mga hayop lang sila, Cerise. Mga hayop lang sila na dayo sa mundo natin. Hindi sila galing dito, kaya sigurado akong kaya ng mga militar na harapin ang mga iyon," sagot niya. "May tiwala ako sa mga sundalo. Kaya nila tayong protektahan."
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...