Matapos ang pangyayaring iyon kanina ay minabuti ni Sir Diaz na maghanap ng temporary naming mapagtataguan. We hurriedly leave that building before the situation go worst.
At gaya nga rin ng inaasahan ko, napagalitan nga ako dahil sa ginawa ko.
"You should have wait for my instructions before you acted on your own accord, Cerise. Paano na lang kung napahamak ka dahil sa ginawa mo?" sermon sa akin ni Sir.
Nasa bandang sulok kami ng corridor, sa mismong labas ng room na pinapasukan namin.
Matapos masiguro ni Sir na nakapagpahinga na ang mga kaklase ko sa loob ay saka niya naman ako pinatawag sa labas para kausapin.
"Naisipan mo pa talagang bumalik sa building niyo nng mag-isa. Sinuwerte ka lang dahil walang aliens na humarang sa'yo, paano na lang kung meron?" dagdag niya pa na siyang dahilan kung bakit ako nag-iwas ng tingin.
"But I managed to get out alive," mahina kong sabi rason kung bakit siya napahugot nang malalim na buntong-hininga.
"Pinaburan ka lang ng tadhana kanina at nagawa mong makalabas nang buhay. Luck doesn't always go around the corner giving miracle to whoever needs it at the exact moment," sambit niya pa. "Sinuwerte kang makaligtas ngayon, pero sa susunod kaya? Sigurado ka bang mabubuhay ka pa kung uulitin mo iyon?"
Hindi ako sumagot. Nanatili lang ako sa gano'ng posisyon habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Pasalamat na nga lang ako at purong salita lang iyong binibigay niya e. Kalmadong pangtatama lang iyong ginagawa ni Sir sa'kin. Ni hindi nga niya ako pinagtaasan ng boses.
"That would be the last time that you'll break my rule, Cerise. Hindi na ako makakapayag pang ulit na gagawa ka na naman ng mga bagay na ikakapahamak mo at ng iba."
Ang mali ko lang naman ay sumuway ako sa naging usapan namin, bakit kailangan niya akong paghigpitan lalo? Sabihin na nating nagpadalos-dalos ako sa desisyon kong iyon, pero kailangan ba talagang umabot sa puntong parang tatanggalan niya na ako ng karapatang may gawin?
"Why does it sounds so unfair?" turan ko. "Bakit si Sivan pinapayagan niyo tapos kami hindi? Bakit kapag siya iyong gumagawa ay wala kayong sinasabi pero kapag kami, pinupuna niyo? He is still a student just like us, Sir Diaz. Pero bakit parang walang problema sa inyo na kumikilos siya?"
Napansin ko talagang parang kuhang-kuha niya ang tiwala ng mga militar. He can freely roam around without having the need of being guarded. Pareho lang naman sana kaming junior students dito, pero bakit mas nagagawa niyang gawin iyong mga bagay na pinagbabawal sa'min?
"It might be unfair on your side but that kid already proved his worth. He's already an aspirant," sagot niya. "Sivan is trained for this kind of crises, kaya hindi na niya kailangan ng mahigpit na supervision gaya niyo."
Agaran akong nasampal sa katotohanan dahil sa huli niyang sinabi. The person I am talking about is not as the same level as us. He is far more greater than anyone in our class, a hundred times.
"Kailangan pa bang maging aspirant muna kami gaya niya bago mo kami payagang makatulong, Sir?" hindi ko mapigilang tanong. "Kailangan din ba naming pagdaanan muna iyong mga ginagawa niyang trainings before mo kami hayaang makakilos nang hindi napapagalitan pagkatapos?"
Hindi ko na sana pa itatanong iyon pero tuluyan ko na ring nasabi. Siguro ay hindi ko na rin nagawa pang kontrolin iyong sarilI ko. Kutang-kuta na rin kasi akong marinig iyong paulit-ulit nilang mga bilin. Na hindi kami pwedeng sumuway, na hindi kami dapat makialam, na ang nag-iisang bagay lang na gagawin namin ay sumunod nang sumunod sa kahit anong orders na ibibigay nila.
Naipit na kami't lahat pero hindi pa rin sila nagbabago. Gano'n pa rin ang pagtrato nila sa amin kahit pa no'ng hindi pa nag-uumpisa ang invasion na 'to. Wala pa ring pinagkaiba. Nakatali pa rin kami sa kadena at nakakulong sa loob ng selda.
BINABASA MO ANG
In The Name of Survival
Science Fiction"If the world will fall to its end, how would you survive?" Cerise had never thought of seeing herself in a situation where she needs to fight for her life. She never dared to envisioned herself being in a chaotic world filled with agony and chaos...