Chapter 25

175 12 4
                                    

Umabot ng halos dalawang oras iyong naging byahe namin palayo sa mismong siyudad. Sa sobrang lawak ng Navatican City ay kukulangin ang tatlong oras na byahe bago ka makalipat sa ibang lugar.

Gano'n kalawak ang siyudad namin. Pero kahit gaano man kaganda at kaindustriyalisado ang Navatican, tuluyan itong nasira dahil sa invasion na nangyari.

Sa mga nakaraang oras na byahe ay wala akong ibang ginawa kundi ang umupo at tumingin sa labas. Bawat gusali at imprastakturang nadaanan namin, lahat iyon nagkaroon ng sira. May ilang nasusunog at ang iba naman ay nagsitumbahan.

Magulo ang mga kalsadang nilulusutan ng bus at pansin ko rin ang mga bangkay na nakabulagta sa daan. Tahimik lang kaming lahat habang palihim na umuusal ng dasal para sa mga patay na biktima ng giyerang ito.

"I wasn't prepared to see this," mahinang sambit ni Maize na nakaupo sa tabi ko. Siya ang nakaupo malapit sa bintana at ako naman iyong malapit sa aisle. 

"I kinda expected that something unexpected might broke out, pero hindi ko nagawang maisip na ganito pala iyon kalala."

Walang imik ko siyang sinang-ayunan.

If it weren't for that lightning that marks the beginning of this era, the idea of this kind of living won't really cross my mind.

Katulad lang din naman ako ng ibang tao. Araw-araw na nakikipagsapalaran sa agos ng buhay para makaahon sa hirap. Sa sobrang abala ko sa kaiisip sa pangarap at kinabukasan ko, hindi man lang pumasok sa isip ko na posibleng may ganitong pangyayari.

This place has been in constant for I don't know how many decades already. Kaya nasanay ako sa ideya na palagi lang kaming ligtas at patuloy na mamumuhay sa kinagisnan naming mundo. But fate really loves to pull on tricky cards.

Sa sobrang bilis ng pagbaliktad ng sitwasyon, hindi man lang kami nakapaghanda.

"I was too crazy for thinking about living this kind of set up," dagdag niya pa saka ako nilingon. "Can you still recall those shits I keeps on blabbering about, Cerise?"

Tipid akong ngumiti. "How could I forget those crazy rants you shared to me?

"I must be out of my mind, right?"

Umiling ako bilang sagot.

"You are not crazy for thinking that way, Maize," mahinahon kong banggit. "It just happened that you view the world in the most different way."

Hindi siya nakasagot kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Maniwala ka man o sa hindi, but your ideas helped me to invision this kind of world which I keeps on ignoring before. Kung hindi pa dahil sa mga bagay na sinasabi mo sa'kin, hindi ko magawang makita na posibleng mauwi sa ganito ang mundo."

Ilang segundo siyang nakatitig nang diretso sa akin hanggang sa tuluyang gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"You know what, Cerise? Ikaw lang iyong taong nakapagsabi sa'kin na hindi ako mukhang baliw," banggit niya na siyang tipid kong ikinatawa. "Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nasabihan ng weirdo ng iba, pero hindi naman ako nagagalit dahil totoo naman iyon. I am really a weird person and that's a fact."

"I dont see any corresponding point to claim that being weird means a person is indeed crazy. Hindi ka kaya baliw, sadyang kakaiba ka lang."

Umayos siya ng upo saka ako hinarap.

"You know what? It's kinda hard to make some friends inside our school, sa totoo lang. Kilala mo naman ako, mapili ako sa kaibigan. Ilang years din kaya akong nag-adjust sa Nexus para lang makahanap ng barkada," kwento niya sa'kin. "Kung hindi mga rich kids iyong umaaligid sa'kin, mga competitive na academic achievers naman, ang mas malala talaga ay iyong makakilala ng nakakabwisit na buraot."

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon