Chapter 34

152 13 3
                                    

Tatlong linggo ang lumipas magmula no'ng inumpisahan nila Lieutenant na gawin ang plano. Naging maayos naman ang takbo ng mga ginawa naming preparations kahit papaano.

Testing na lang ang kulang sa artificial drone na mismong si Harlem ang nagmodify. Kaunting polish na lang din ang kulang sa alternative chasers na ginawa nila Vail. Samantalang kami ni Maize ay patapos na rin sa ginagawa naming mapa.

Less than five places to be placed and we're finally done. Pero dahil nga sa gusto niyang talagang maaasahan ang ginawa niyang map, alam kong may idadagdag pa siyang features na siyang hindi ko na lang din kokontrahin pa.

Sa mga araw na lumipas, hindi pa rin nagiging matino ang tulog ko kaiisip tungkol sa naging buhay ni Mama sa loob ng base. Parang hindi natatahimik ang diwa ko hangga't hindi ako nakakakuha ng klaro at detalyadong sagot sa mga tanong na hindi magawang sagutin ni Sir Diaz.

May mga pagkakataon ngang hinahampas na lang ako bigla ni Maize dahil sa bigla na lang akong natutulala. Aware naman siya sa reason ko dahil nga sa alam na rin naman niya iyong totoo tungkol kay Mama. At gaya ko, nagulat din siya no'ng una. I mean, who wouldn't? The woman that I thought as simple as she is, was never been like that.

Ideya ko lang pala iyong kumukumbinsi sa sarili kong simpleng tao lang siya, pero ang totoo ay maraming nakatago sa likod ng anino niya.

"Kanina pa kayo nakaharap diyan ah," rinig kong sambit ni Vail kaya naman ay napalingon ako sa likod.

May hawak siyang dalawang baso ng juice at kasunod niya naman si Jaden na gano'n din ang bitbit.

"Meryenda muna kayo sandali."

Napatayo naman agad si Maize sabay gilid sa mga gamit na nasa mesa. Ginilid naming dalawa iyon para doon ilagay ang mga dala nila.

"Gusto mo?" Nilapit ni Jaden sa'kin iyong isang baso kaya agaran naman akong napangiti sabay angat ng kamay ko para tanggapin iyon.

"Thank y—"

"Magtimpla ka," diretsa niyang singit rason kung bakit wala sa wisyong naglaho ang ngiti sa labi ko.

Dire-diretso niyang ininom iyong juice sa harapan ko nang hindi man lang ako tinitignan ulit. Talagang nag-abala pa siyang mag-offer sakin ng juice pero siya rin naman pala iyong iinom?

Bwisit talaga.

Inis ko siyang binatukan pero ang loko nagawa pang makaiwas, at dahil nga sa ginawa ko ay nabuhos iyong halos kalahati ng juice sa damit niya.

Deserve.

"Sorry," agran kong sabi. "Sinadya."

"Cerise!"

Gagantihan niya sana ako pero hindi na natuloy pa nang nahila siya ni Vail palayo sa'kin.

"Dapat kasi talaga dumidistansya ka na kay Maize e," reklamo niya. "Alam kong kunti lang kaibigan niya pero Cerise naman! Nagiging magkaugali na kayong dalawa!"

Umismid si Maize. "Kunti man kaibigan ko, at least 'di ka kasama."

Nagsamaan sila ng tingin hanggang sa mismong si Vail na ang pumagitna para patigilin sila. Wala siyang choice kundi ang paghiwalayin sila lalo na at wala rito si Ervise.

"How's the map going, by the way?" kaswal niyang tanong kay Maize at mas lumapit pa sa mesa para tignan iyong progress namin.

"As you can see, it's almost done," sagot ng kaibigan ko. "But we need one more day to polish the map as I am going to add some additional key features that might help us along the way."

"Pinagsasabi mong lalagyan mo pa ng key features? Ang sabi ni Sir Diaz mapa lang iyong gawin niyo at wala nang iba," asik ni Jaden matapos siyang makisilip sa screen. "Kailangan niyo na kaya 'yang matapos para magawa na agad iyong plano. Alam niyo naman sigurong may kasama tayong feeling batas dito. Masyadong atat."

In The Name of SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon