Note
Hindi po ito edited at hindi ako professional writer kaya huwag mag expect ng sobra.
Moira's Pov
Disappointment ganyan ako sa magulang ko. Alam ko at aminado naman ako na hindi lahat ng ginagawa ko ay tama. Ayoko rin naman maghugas kamay at sisihin sila sa nangyayari sa'kin dahil may choices naman ako. Pinipili ko lang talaga maging ganito.
Sa edad na kinse natuto akong mag rebelde. Natuto akong sumagot sa mga nakakatanda, mag cut ng classes, umuwi ng dis oras ng gabi at uminom. Walang may gusto sakin dahil narin daw sa ugaling pinapakita ko at ayos lang naman sa'kin iyon. May mga kaibigan din naman ako, mga kaibigan na katulad ko na disappointment din sa pamilya nila.
Labing pitong taong gulang na ako ngayon at isang taon nalang makakalaya na ako sa magulang ko. Sa ngayon kailangan long magtiis muna at sumunod sa magulang dahil wala pa akong kakayahan mabuhay mag isa. Kung lumaki lang siguro ako sa ordinaryong pamilya na kabilang sa mga maralita baka kayanin kong mabuhay na malalakas katulad nila. Baka hindi ako matatakot na umalis sa poder nig magulang ko at mamuhay sa kahirapan. Akala nila matapang ako dahil sa mga pinanggagagawa ko, hindi nila alam sa likod ng katapangang pinapakita ko ay malambot din ang puso ko. Hindi nila alam at hindi nila ako naiintindihan kung bakit nagkaka ganito ako.
Hindi naman ako dating ganito, sa katunayan isa akong mabuti at masunuring anak noon, hanggang sa mambabae si Papa. Wala na nga siyang oras sa'min dahil sa trabaho niya nagdagdag pa siya ng pagkakaabalahan niya. Galit din ako kay Mama dahil hinahayaan niya lang si Papa sa bisyo niya. Si Mama pa ang nakikiusap sa mga kerida ni Papa para lang pauwiin ito lalo na kapag may okasyon. Naiinis ako at nagagalit sa magulang ko, habang naaawa naman ako sa kapatid ko.
Sakay kami ngayon ng kotse na minamaneho ni Papa at papunta kami ngayon sa probinsya. Ang sabi niya magbabakasyon daw muna kami tutal naman daw ay wala ng pasok sa eskwela. Natuwa ako noong una dahil akala ko babalik na kami sa dati at magbabago na siya. Tuwang tuwa nga din sina Mama at Maica, akala yata nila katulad ito ng dating mga family vacation namin dati na magkakasama kaming apat nag rerelax at nagsasaya. Sigurado sasakit din ang loob nila kapag nalaman ng mga ito ang plano na pagtapon sa'min ni Papa dito sa probinsya. Alam ko ang balak niya dahil narinig ko siya mismo kagabi habang kausap nito sa phone niya ang kabet niya.
Alam ko naman na mahal kami ni Papa lalo na si Maica. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari bakit nagka ganito siya, basta isang araw nalang nag iba nalang siya. Oo, nagkukulangan siya ng oras sa'min dati pero dahil iyon sa trabaho niya, mahal nito ang trabaho niya dahil ito daw ang bumubuhay sa pamilya, sa'min, at naiintindihan namin iyon. Kaso ngayon hindi lang trabaho pinagkakaabalahan niya. Ilang beses na namin siyang nahuli na may babae. Yung latest nga niya ngayon ay halos kasing edad ko lang. Nandidiri ako at nasusuka, hindi niya man lang naisip na dalawang babae ang mga anak niya.
Wala akong kibo na nakatanaw lang sa labas ng bintana, tinitignan ang kagandahan ng dinadaanan namin. Si Mama at Maica naman ay masayang nag-uusap habang nagmamaneho si Papa. Gusto ko sanang buksan ang bintana ng sasakyan para maka singhap ng sariwang hangin kaso naman ay biglang umulan.
"Hala! Umuulan! Malayo paba tayo Papa?" Dinig kong tanong ni Maica.
"Bakit nagugutom ka naba? Huwag kang mag alala, mga isang oras nalang at nasa bahay na tayo" sagot naman ni Papa na tinutukoy Ang bahay na kinalakihan niya.
Five years narin nung huling dalaw namin dito sa probinsiya. Namatay kasi noon si Lola. Dose anyos palang ako noon at maliit pa ni Maica. May mga alaala pa ako dito pero hindi na ganoon kalinaw ang lahat. Kung meron man may malinaw at hindi ko malilimutan ay noong nabubuhay pa si Lola. Lagi niya akong pinapasyal sa may talon at doon kami nag p-picnic at naliligo. Sa pagkakatanda ko malapit lang iyon sa bahay at balak kong dalhin din doon si Maica.
Pagkalipas ng mahabang oras na biyahe sa wakas ay nakarating na kami. Sinalubong kami ng mag asawang caretaker at natuwa ako dahil natatandaan ko sila. Sila ang mag asawang giliw na giliw sa'kin noon na laging pinipisil ang pisngi ko. Sa unang pagkakataon ngayong araw ay napangiti ako. Bumalik tuloy ang masayang alaala ko nung panahon na nabubuhay pa si Lola, ang dami ko ring kalaro noon dito.
Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay pinagmasdan ko muna ang labas nito. Wala naman akong nakikitang gaanong pinagbago maliban sa malungkot na awra nito ngayon. Siguro dahil wala na si Lola at hindi narin dito nakatira ang mga pinsan ko.
Inilabas ko sa bulsa ang phone ko at nag selfie. Pinost ko iyon sa Facebook at nag caption na "The best place in the world" tapos ay nag hashtags ng Nana'shouse at staycation.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang sumunod at pumasok sa loob ng bahay. Kagabi nagpasya ako na matutulog lang ako buong bakasyon dito, ngunit nagbago ang isip ko. Gusto kong sulitin ang bakasyon ko at ibalik yung masasayang alaala ko sa lugar na ito. Sisiguraduhin ko na mag e-enjoy ako sa bawat araw ng pananatili ko dito.
*****
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...