KABANATA 9

1.2K 14 0
                                    

KABANATA 9

"Hey, are you okay?" tanong ni Yna sa binata na seryosong nagmamaneho. Nakakunot ang noo nito at animo'y may kaaway na susugurin. Kinuha ni Yna ang kamay ng binata at inintertwined sa mga daliri niya dahilan para lingunin siya nito.

"Don't be so nervous, babe. Mabait si papa. Hindi ka naman kakainin ng buhay no'n," natatawang aniya.

Sinabi niya iyon para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ng binata.

Papunta sila ngayon sa bahay ng ama at sinabihan niya na din ito na pupunta sila doon para ipakilala ang binata sa mga ito. Kahit siya man ay kinakabahan, siguro dahil first time niyang may ipapakilalang lalaki sa magulang. Hindi kagaya noong mga bata pa sila na wala siyang ipinakilala sa ama kahit no'ng ex niya.

Narinig niyang bumuntong hininga.

"Hindi kaya gisahin ako ng papa mo sa mga tanong niya sa'kin? Baka mauwi lang sa interrogation mamaya," anito at nagawa pang magbiro.

"Hindi naman siguro. 'Wag kang mag-alala kapag masyado ng matanong si papa tsaka ako papasok sa usapan niyo. Hindi kita iiwan, Devs. Sabi mo nga, sabay natin 'tong haharapin nang magkasama."

Tumango-tango naman ang binata at tila sumang-ayon sa sinabi niya. Hinalikan ni Devin ang likod ng kamay ni Yna habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti naman si Yna at nakaramdam ng kakaibang feeling sa tiyan niya.

"Ito na marahil ang tinatawag nilang, 'butterflies on your stomach' " napangiti naman siya sa sariling naisip.

Ipinarada ni Devin ang kotse sa gilid ng bahay nila Yna. Pinatay nito ang makina bago tinignan si Yna.

"Paano kung hindi nila ako tanggapin?" anito sa mahina at malungkot na boses. Tinitigan naman siya ni Yna at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Devs, hindi mangyayari 'yon. Ano man ang mangyari, o maging resulta nito they don't have any choice just to accept you. Tanggap ka man nila o hindi wala silang magagawa. Besides, I'm pregnant kaya walang dahilan para hindi ka nila tanggapin, hmm?"

Tumango naman ang binata at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Yna na nasa pisngi niya. Inilapit naman nito ang labi para mahalikan si Yna. Pumikit naman ang huli para damhin ang kanilang mga labi.

"Ma, pa, nandito na sila Ate Yna," rinig nilang sigaw ni Moxie na nasa gate ng bahay.

Magkahawak-kamay silang pumasok at nginitian si Moxie. Nauna silang pumasok sa bahay habang nasa likod naman si Moxie na malapad ang ngiti.

"Pa," ani Yna ng makasalubong nila ang ama. Humigpit ang pagkakahawak ni Devin sa dalaga ng balingan siya ng tingin ng ama nito.

Dumako ang tingin ng ama ni Yna kay Devin bago muling balingan ng tingin si Yna.

"Pa, si Devin." panimula ni Yna.

Hinawakan ni Yna ang braso ng binata nang muli itong tignan ng ama. Para namang poste si Devin dahil sa hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya'y sinusuri ng ama ni Yna ang kaluluwa niya.

"M-Magandang umaga ho..." nauutal na usal ni Devin. Nagkatinginan sila ng ilang segundo ni Yna bago niya abutin ang kamay ng ama nito at magmano bilang respeto.

Walang imik naman na inabot ni Nestor ang kamay sa binata. Ngumiti naman si Yna sa nasaksihan.

"Halina kayo, may hinanda kaming kaunting pagkain para sa inyong dalawa." ani ng ama ni Yna at tumalikod na.

Ngumiti naman si Yna at bumulong sa binata.

"See? Mabait si papa," aniya at ngumiti nang malapad. Hindi makapaniwalang ngumiti na rin si Devin bago nila sabay na sinundan ang ama.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon