KABANATA 6
Isang buwan makalipas ang nangyari sa resort nila Devin sa Antipolo ay hindi pa rin makapaniwala si Yna sa lahat ng nangyayari sa kanila ni Devin. Gayunpaman, hindi pa rin malinaw sa kaniya kung ano ang estado nila sa isa't isa ng binata. Basta ang alam lang niya ay ang biglaang pagbabago ng pakikitungo ng binata sa kaniya. Maliban doon ay wala na siyang iba pang napapansin.
Isa pa sa kinakatakot niya ay ang kaniyang ama kapag nalaman nito ang lahat. Kahit pa minsan ay tila pakiramdam niya ay wala itong pakialam sa kaniya gayunpaman andoon pa din ang takot niya kapag malaman ng tatay niya ang lihim nilang relasyon ng kaibigan na si Devin. Dumagdag pa sa isipin niya ang buwanang dalaw niya na hanggang ngayon ay sobrang late na. Dapat ay noong nakaraang linggo pa dapat siya dadalawin ngunit wala kahit isang patak man lang ang nakikita niya sa tuwing nagccr siya. Hindi naman irregular ang menstruation niya.
Sandali siyang natigilan sa isiping iyon. Muli niyang tinignan ang calendar kung saan nakalagay doon kung kailan siya dadalawin hanggang kailan iyon matatapos. Napakagat na lang siya sa ibabang labi habang iniisip kung anong gagawin.
Napasinghap siya ng biglang may kung anong ideyang pumasok sa isip niya.
Am I pregnant? 'Yan ang biglang naitanong niya sa sarili kasabay ng pag-alala niya na may nangyari sa kanila ng kaibigan. Natutop niya ang kaniyang bibig hanggang sa manghina ang tuhod niya at napaupo sa kama.
Tulala siyang pinoproseso ang lahat ng nangyari.
"Ano ka ba, Yna. Syempre, expected mo na dapat 'yan dahil sa nangyari sa inyo ni Devin." ani ng isip niya dahilan para mariin siyang mapapikit at mapahawak sa puson niya.
"I need to tell Devin about this. Kailangan niya 'tong malaman agad." aniya at kaagad na hinagilap ng mata niya ang bag at kinuha ang selpon doon.
Agad niyang dinial ang numero ng binata hanggang sa mag-ring ito.
Sa totoo lang hindi niya alam kung paano niya sisimulan sabihin o anong unang salita ang lalabas sa bibig niya pero ano't ano pa man kailangang malaman ito ng binata.
~Calling devs~
"Hello..." Nakailang ring pa bago nito sagutin. Siguro'y nasa trabaho ito kaya hindi agad nasagot.
["Hello! Yna, napatawag ka... I'm on my meeting."] anito sa malamig na boses dahilan para mapakagat-labi na lamang si Yna sa kaba.
Napapikit siya habang mahigpit ang hawak sa selpon. Wala siyang mabuong salita sa isip kaya binaba na lang niya ang tawag at inayos ang sarili.
∆~∆~∆~∆~∆
Natapos ang meeting with a client ni Devin pero wala dito ang atensiyon niya kun'di na kay Yna. Ilang araw na itong napapansin niyang balisa at malalim ang iniisip. Sinipat niya ang relo sa pala-pulsuhan bago nag-ayos.Mag-aalas-sais na at susunduin niya pa si Yna kaya naghabilin muna siya sa sekretarya niya bago umalis.
"Bakit siya tumawag? Hindi man lang siya nagsalita? What's going on?" tanong ni Devin sa sarili habang seryosong nakatingin sa daan na minamaneho.
Minadali niya ang pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa fast food restaurant na pinagtatrabahuan ni Yna.
Nagpark muna siya bago bumaba at nakita si Yna na may kausap na lalaki. Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa kanila.
Nagpigil siya sa nakita at kinalma ang sarili bago tinungo si Yna kung saan kausap ang lalaki.Tumikhim siya dahilan para sabay na lumingon sa kaniya ang dalawa. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng dalaga ng makita siya nito. Binalingan niya ng tingin ang lalaki bago muling tignan si Yna.
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romance❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023