KABANATA 28

843 6 0
                                    

KABANATA 28

"Ate...Anong nangyari?"

Namumula ang mga matang tinignan siya ni Yna. Mabilis na hinawakan nito ang magkabilang balikat niya kaya napangiwi siya nang maramdaman ang sakit doon.

"Ate... nasasaktan ako!"

"Ano'ng alam mo sa mga nalalaman niya Moxie? ANONG ALAM MO?"

Nagsitayuan ang balahibo niya sa lakas ng sigaw nito. Namumula na din ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Hindi niya alam ang gagawin gayong galit ito at ramdam niya kung bakit ito nagagalit ngayon.

"Ate wala akong alam!"

"Then how did he knows everything about us? Nandoon ka ba nang sabihin ng magaling mong nanay ang lahat sa kaniya? SABIHIN MO NANDOON KA BA?"

"ATE WALA! WALA AKO DOON!"

Dahil sa takot ay hindi na napigilan ni Moxie na tumulo ang luha sa sobrang kaba. Nakita niyang nangunot ang noo nito at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Ate hindi ako tumuloy kila mama no'ng nagpaalam ako sa'yo. Dumiretso ako sa bahay ng kaibigan ko, k-kay Scarlet. Kahit tawagan mo pa siya ate. Hindi ako nagsisinungaling."

Natahimik naman si Yna at maya maya pa 'y mabilis itong tumakbo pataas. Kumawala naman nang mabigat na paghinga si Moxie na kanina niya pa pinipigilan. Napahawak pa siya sa dibdib niya nang makaakyat na ang ate niya.

∆~∆~∆~∆~∆

"Ahhhhhh..."

Agad na lumusong si Yna sa kaniyang kama at ibinaon ang sarili sa unan at nagsisisigaw.
Mabigat ang dibdib niya kahit pa nasabi na niya ang dapat sabihin kay Devin kanina. Parang may kung anong bagay pa din ang nagpapabigat sa loob niya. Naikuyom niya na din ang kamay at sinuntok suntok ang unan hanggang sa mapagod.

Parang gusto niyang ilabas lahat ng sakit at sama ng loob. Kanina nang kaharap niya ang lalaki ay para siyang natutunaw at makikita sa mga mata niya na andoon pa din 'yong pagmamahal, pangungulila at pag-aalinlangan. Pero pinigil niya ang sarili dahil alam niyang hindi pwede.

"Ayaw mo na ba talaga? H-hindi mo na ba ako mahal?"

Bigla na lang nagflash sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng lalaki...

"Kasi ako mahal pa kita, Yna. Walang nagbago. Kahit nang ikasal ako sa ibang babae simula noon hanggang ngayon mahal pa kita. Hindi kita susukuan. Hindi ko kayo susukuan ng anak natin. Babalik kayo sa'kin babawi ako sa inyo. Gagawin ko 'yon."

Paano? Paano ka babawi, Devin?

Napaangat ang tingin niya sa pintuan at nakatayo doon ang anak habang nakatulala ito sa kaniya. Umayos siya ng upo at mabilis na pinunasan ang mga luhang natuyo na sa kaniyang pisngi sa kadahilanang maitatago niya ang sakit at lungkot sa kaniyang mga mata kapag humarap siya sa anak.

"M-Mom..."

Umupo ito sa tabi niya at pinagmasdan siyang mabuti. Pinilit niyang ngumiti dito para hindi tumulo ang luha niya ngunit huli na ang lahat kaya mabilis itong pinalis ng kamay ni Jules.

"Are you mad at me po?"

"N-No... no anak. I'm not mad at you."

"Then why are you crying po? Is it about Tito Devin? Did he hurt you mommy?"

"No anak. Just... just hug me. Please?"

Hinawakan ni Jules ang magkabilang pisngi niya at maingat na pinatakan ng halik ang kaniyang noo bago siya nito yakapin.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon