KABANATA 25

924 8 0
                                    

KABANATA 25

Naalimpungatan si Yna ng biglang humangin ng malakas kaya bumangon sya kahit na papikit pikit ang kanyang mga mata habang sinasarado ang kurtina ng kaniyang kwarto. Babalik na sana siya sa pagtulog ng biglang tumunog ang cellphone nya at nakita ang pangalan doon ni Nolane.

"Good morning! I know your still asleep but I want to say that... I'm sorry but I can't make it. May business trip akong pupuntahan and 2 weeks ako doon. Sorry babawi na lang ako pag-uwi. Ano gusto nyong pasalubong ni Jules? Mag-iingat kayo ng anak mo. Don't hesitate to contact me if ever happens okay? Take care!"

Bigla syang nabuhayan sa nabasang message dito kaya napangiti sya bago tumipa ng sasabihin. Parang asawa talaga kung mag-alala ang binata at kahit naman sino ay magugustuhan ito. Hindi nga lang nya masuklian ang mga pinapakitang kabutihan ni Nolane.

Nang maisend nya iyon ay hindi na sya bumalik sa pagtulog kaya ginawa nya na ang daily routine nya bago nagtungo sa kusina.

"Good morning ate."

Kaagad nyang nasalubong si Moxie sa kusina. Nakita nyang naghahanda na ito ng agahan nila kaya tumulong na din sya. Mamaya pang alas-otso ang pasok nya at natutulog pa si Jules.

"Mukang maaliwalas ang awra natin ngayon ate ah!" Nilingon nya ito at ngumiti.

"Kaya huwag mo akong badtripin. Ayokong masira ang araw ko."

Nagkibit balikat na lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos magluto ay pinuntahan na nya ang anak sa kwarto nito at ginising.
Isinabay na rin nya ang anak sa pagpasok kaya hinatid na nya ito.

Habang nagmamaneho ay biglang pumasok sa isip nya ang papa nya. Bigla syang nakaramdam ng pagkamiss dito. Ilang weekends na din kasi ang dumaan at dahil sa dami ng kanyang iniisip ay nakalimutan na nyang bisitahin ang Ama. Nilingon nya ang anak na nasa labas ng bintana ang tingin.

Mapupungay ang mga mata nito na animo'y inaantok pa. Tinabig nya ng mahina ang balikat ng anak na kaagad naman syang nilingon nito.

"Are you okay? Are you sleepy?"

Umiling lang ito at ibinalik ang tingin sa bintana. Napabuga naman sya ng hangin sa inasal ng anak. Simula ng sinabi sa kanya ng anak na napanaginipan nito ang ama ay lagi na nya itong napapansing malungkot at matamlay ang muka. Laging mapupungay ang mga mata nito kapag kinakausap nya. Nababahala na sya baka magkasakit ito. Hindi naman ganito dati ang bata. Masigla ito at laging alerto pero ngayon parang binagsakan ng langit ang awra nito.

Ipinarada nya ang kotse bago tinulungan ang anak na tanggalin ang seatbelt nito.

"This friday do you want to go to your lolo papa? I know they miss you too."

"Okay."

Nauna na itong lumabas sa kotse kaya kinuha na lang nya ang bag nito bago lumabas na din sa kotse.

Pagkatapos ng halos limang oras na pagtatapos sa kanyang trabaho ay napabaling siya sa kaniyang relo. Alas dos y media na. Inayos na nya ang nasa ibabaw ng lamesa nya at nag ayos ng sarili bagi lumabas ng opisina.

"Good afternoon maam!"-bati sa kanya ng nakasalubong na empleyado.

Nginitian nya lang ang mga nakakasalubong na empleyado hanggang sa pumunta sya sa lobby ng hotel para icheck ang nandodon.

"Good afternoon maam! Pauwi na po kayo?"-ani ng isang receptionist dun.

"Ahh...may ichecheck muna ako."

Napalingon sya sa ng may marinig na pamilyar na boses o baka nagkakamali lang sya.

Nakita nya si Devin na may kasamang babae at may bata silang kasama na sa tingin nya ay kasing tangkad lang ni Jules. Nakakapit ang braso ng babae sa braso ni Devin at palabas na sila ng hotel.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon