KABANATA 46

767 3 0
                                    

KABANATA 46

Hindi man sigurado si Yna ay kabado siyang pumunta sa lugar na senend sa kaniya ni Zyrine. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nagmamaneho gamit ang sasakyan ni Devin. Bago siya umalis ay mahigpit na niyakap siya ng lalaki na para bang ito na ang huli nilang pagkikita at magkayakap.

Masyadong mapayapa ang gabi nang itigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Sinilip muna niya ang buong lugar at halos wala masyadong kabahayan sa paligid at makikita sa hindi kalayuan ang abandonadong gusali. Huminga siya nang malalim bago ayusin ang suot na denim jacket na nakasapaw sa suot niyang sandong itim.

Ramdam ang kaba sa dibdib ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa abandonadong gusali. Nagkalat ang mga semento, hollow block at mga drum na nasa gilid.

Nang bahagyang makapasok na sa nasabing gusali ay tsaka lamang niya napagtantong wala siyang dalang flashlight.

"Aishh! Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng flashlight?" Bulong niya sa sarili habang patuloy pa rin sa pagkapa sa gitna ng dilim. Wala pang buwan ng gabing 'yon kaya para siyang nakapikit kung maglakad dahil wala siyang nakikitang liwanag.

"May tao ba d'yan? Zyrine?" sigaw niya na rinig sa buong gusali.

Napayakap siya sa sarili nang humihip ang hangin at bahagyang napatili ng may nasipang lata.

"D*mn this life!"

Sa sobrang takot at kaba ay lumingon siya sa pinanggalingan niya kanina at napagdesisyunang bumalik. Tumalikod na siya at akmang tatakbo na ng maramdam niya ang mabigat na bagay sa ulo niya. Napahawak siya dito kasabay ang unti unting paglabo ng kaniyang paningin at nawalan ng malay.

Sa kabilang banda, nasalo naman ng lalaki si Yna kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa lupa. Napangisi siya nang makitang nawalan ng malay ang babae. Binuhat niya itong parang sako ng bigas at naglakad sa kotse na nakaparada sa labas ng gusali.

Naramdaman ni Yna ang pamamanhid ng kaniyang mga kamay at paa kaya naman sinubukan niyang gumalaw ngunit pakiramdam niya'y nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Sinubukan niya ring imulat ang kaniyang mga mata ngunit madilim pa rin.

Nakaupo siya sa kahoy na upuan at nakatali ang kaniyang mga kamay sa likod nito. Ang paa naman niya'y nakatali kaya hindi niya maigalaw ang parte ng kaniyang katawan.

"Tulong! May tao ba jan?" Sigaw niya sa paligid. Nakapiring ang kaniyang mga mata kaya wala siyang nakikita na kahit ano. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung bakit siya nawalan ng malay. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na kailangan niyang iligtas ngunit paano niya iyon magagawa gayong nakagapos siya sa upuan?

Sinubukan niyang kalasin ang pagkakatali ng kaniyang mga kamay mula sa likod ngunit sobrang mahigpit ang pagkakatali dito at wala siyang sapat na lakas para makalas iyon.

Maya-maya pa'y nakarinig siya nang papalapit na mga yabag ng paa ng tao kaya naman tumigil siya sa ginagawa at nagpanggap na wala pa ring malay. Naramdaman niyang tumigil ang taong iyon sa harapan niya at walang ano-ano'y nagulat siya ng maramdaman ang malamig na tubig na binuhos sa kaniya. Suminghap siya sa sobrang lamig ng tubig na ngayon ay basa na siya.

"Hoy! Gising!" ani ng tinig at mahinang tinampal ang kaliwang pisngi niya.

"S-Sino ka? P-Pakawalan mo ako..."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago siya sinampal. Nagpantig ang kaniyang tainga dahil sa lakas ng sampal na iyon. Naramdaman niya ang palad ng taong sumampal sa kaniya at kahit hindi man niya nakikita ang pisngi ay alam niyang namumula iyon.

"Ano ako tanga? Bakit naman kita papakawalan gayong nandito ka na sa harapan ko at malaya na akong gawin ang gusto kong gawin sa'yo ngayon pa lang?" anito.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon