KABANATA 51

1.2K 6 0
                                    

KABANATA 51

Yna's POV:

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayusan ako ng make-up artist suot ang bathrobe ko ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang aking sarili.

"Ang ganda niyo po ma'am. Swerte po ang fiance niyo sa inyo." Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Siya ang swerte sa'kin." Tumango lang ang make-up artist bago nagpatuloy sa ginagawang pagme-make up sa akin.

"Anak?" Dahan-dahan akong lumingon sa pinto at nakita kong nakadungaw doon si Papa. Agad akong tumayo at niyakap si Papa.

"Papa..." Niyakap niya ako nang mahigpit bago kumalas at hinarap ako.

"Ang ganda mo anak. Walang dudang anak kita." Mahina ko siyang hinampas sa balikat.

"Ehh..si papa naman. Duda ka bang naging anak mo ako?" Sabi ko bago tumawa.

"Nagbibiro lamang ako anak." Pinakatitigan ako ni papa kaya naiilang na napatawa ako.

"Hindi mo na ba ako makilala pa at grabe ka kung makatitig sa anak mo?"

"Alam mo namang mahal na mahal ka ng Papa hindi ba?" May bahid ng lungkot sa boses niya nang sabihin iyon kaya naman diko naiwasang magtubig ang gilid ng mga mata ko.

"Pa naman eh...Pinapaiyak mo naman ako eh. Ikakasal lang naman ako pa hindi pa ako mawawala." Biro ko. Natatawang pinahiran ko ang luhang patulo na sa pisngi ko.

"Basta anak tandaan mo ang lagi kong sinasabi sa'yo noon pa man. Kapag hindi mo na kaya, uwi ka lang kay Papa ha?" Aniya at hinaplos ang pisngi ko't pinahiran ang luhang nagbabadyang bumagsak.

"Pa..."

"Tandaan mo 'yan. Nandito lang si Papa sa'yo. Mahal na mahal kita anak." Hindi na nagpaawat pa ang luha ko't nag-unahan silang bumagsak sa pisngi ko.

"Mahal din kita pa. Salamat sa lahat kahit na minsan wala ako sa mood nandiyan pa rin kayo para pagpasensyahan ako. Kahit na minsan sobrang tigas na nang ulo ko't ayaw makinig sa inyo...nandiyan pa rin kayo para gabayan ako."

"Lahat gagawin ng Papa para hindi masaktan ang kaniyang anak. Ayaw kong nakikita kang umiiyak kaya kung muli ka na namang papaiyakin ni Devin," aniya at hinaplos ang braso ko.

"Ako na ang magpapahiwalay sa inyong dalawa."

"Si papa naman eh..."

"Sige na. Huwag ka nang umiyak at masisira ang make up mo. Baka pumanget ka't hindi ka na pakasalan ni Devin." Natatawang aniya.

Maingat ko namang pinunasan ang pisngi kong nabasa nang luha ko't niyakap si papa. Ang swerte ko lang dahil nandiyan si Papa noon pa man na nagpapaalala at gumagabay sa'kin kahit na hindi ko nasusunod lahat ng mga pinapagawa niya sakin, pero nakaya niya akong pagpasensyahan. Nakaya niyang mahalin ang ugaling meron ako na hindi kayang tiisin at mahalin ng iba. Sana maging katulad ni Devin si Papa. Lalaking handang mahalin ang ugaling meron ako. Lalaking handang gawin ang lahat wag lang akong masaktan. I hope that I married the man that possessively inlove with me not the man that possessively ruhthless.

Nakakawit ang kanang braso ko sa kaliwang braso ni Papa habang naglalakad kami sa gitna ng simbahan patungo sa harap ng altar kung saan naghihintay doon ang lalaking minamahal ko at ama ng mga anak ko.

“From this moment
I have been blessed
I live only
For your happiness
And for your love
I'd give my last breath
From this moment on...”

Nagsitayuan ang balahibo ko nang umalingawngaw sa buong simbahan ang kantang napili naming dalawa ni Devin. Sang by my favorite singer who wrote that song. Shania twain.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon