KABANATA 16

1K 10 0
                                    

KABANATA 16

"Okay ka lang ba, Yna? Kanina ka pa umiiyak diyan..." ani Nolane nang mapansing kanina pa siya umiiyak ng tahimik habang nakatanaw sa veranda ng bahay.

Nilingon niya ang binata at tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak sa bisig nito. Sobra siyang nasasaktan sa nalaman niyang ipakakasal si Devin sa ibang babae dahil sa kagustuhan ng ama nito. Nasasaktan siyang makita na ang lalaking mahal niya ay itinakda nang maikasal sa ibang babae. Hinimas lang ni Nolane ang likod niya at sinusubukang pakalmahin sya.

"Shhh, tahan na. Makakasama 'yan sa bata. 'Wag mo na masyadong isipin pa ang naging pag-uusap niyo ng magulang ng asawa mo." Humiwalay si Yna dito at tinignan si Nolane.

"Paano? Please, sabihin mo sa'kin kung paano? Kasi... patuloy pa ring nagpplay sa utak ko eh. Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit kailangang ipakasal siya sa ibang babae?"

Nag-iwas naman ng tingin si Nolane.

"Ang sakit!"

Napailing-iling na lang ang binata habang pinapatahan si Yna. Hindi niya din alam kung anong gagawin o kung paano mapapatahan ito dahil alam niya at kahit siya ay di niya maiwasang masaktan din na makitang nasasaktan ang dalaga.

Kahit sa sandali nilang magkakilala ay nakaramdam na agad siya ng awa sa sitwasyon nito lalo na't buntis pa ito. Makakasama kay Yna ang ginagawa nito. Ilang araw na din niyang nakikitang nakatulala at umiiyak ang dalaga ngunit wala siyang magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"Yna, alam kong masakit para sa'yo ang katotohanan na ipapakasal siya sa ibang babae pero sana isipin mo naman ang sarili mo... ang magiging anak mo. Alagaan mo ang sarili mo. Alam kong may dahilan si Devin kung bakit niya ginawa iyon. Alam kong kapag nalaman niya itong ginagawa mo, hindi niya 'to magugustuhan." Umangat ang tingin ni Yna sa kaniya at tila natauhan sa sinabi ng binata.

"Kung ano man ang dahilan niya, bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit kailangang tatay niya pa magsabi sa'kin?" Bumuntong hininga si Nolane.

"Sa tingin mo ba matutuwa siyang makita kang nakakaganyan? Pinapabayaan mo ang sarili mo lalo na ang anak mo, Yna. Alam kong mahirap din sa kanya itong sitwasyon niyo pero kailangan mong bumangon at magpakatatag. For the sake of the baby."

Natahimik naman si Yna sa sinabi ni Nolane. Tama ito. Kailangan siya ng anak niya. Hindi niya kailangang magpakalunod sa sakit na nararamdaman niya. Kailangan niyang magpakatatag. Para sa anak niya at para sa sarili niya.

"Alam kung kailangan mo ang tulong ko, Yna kaya hindi kita pababayaan. Andito lang ako sa tabi mo hanggang sa makapanganak ka na. Hindi kita iiwan."

Pinilit niyang ngumiti dito.
"Salamat, Nolane. Maraming Salamat."

Niyakap siya ng binata at niyakap niya rin ito. Hindi niya alam ang gagawin kung wala ito. Hindi man niya kaano-ano ang lalaki pero nag-aalala ito para sa kaniya.

Naghiwalay lang sila ng tumunog ang cellphone ni Yna sa ibabaw ng mesa.
Ilang araw na din kasing tumatawag si Devin sa kaniya pero hindi niya ito sinasagot. Hinahayaan niya lang itong mag-ring pero ngayon ay pangalan ng papa niya ang nakalagay sa caller ID kaya biglang kinabog ng kaba ang dibdib niya.

"N-Nolane," may pangamba sa boses niyang tinignan ang binata.

"I guess you need to take that call, Yna. That's your father."

Nanatili ang tingin ng dalaga sa screen ng cellphone. Nagdadalawang isip kung sasagutin iyon.

"Yna, alam kong nag-aalala na sa'yo ang papa mo kaya sagutin mo na ang tawag at magpaliwanag ka kung kinakailangan. Kahit itago mo man sa kanila malalaman at malalaman pa rin naman nila."

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon