KABANATA 40
"Hello?" ani Devin nang sagutin ang tawag.
["Hello, Devin. Hawak ko na ang resulta ng DNA test."] saad ng kabilang linya.
"Magkita tayo." aniya kasabay nang pagbaba ng hawak na cellphone.
Ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Devin upang malaman niya ang totoo. Kung anak niya ba talaga si Karlie kay Zyrine o hindi. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakita si Yna na nagluluto sa kusina kasama si Moxie.
"Babe, aalis muna ako."
"Hmm? Saan ka pupunta? Dito ka ba kakain?" Tumangos siya.
"Oo babe. May kailangan lang akong puntahan. Don't worry uuwi ako agad." anito at pinatakan ng halik ang noo ni Yna.
"Okay. Take care."
Umalis na siya at pinuntahan ang ospital kung saan niya pinagawa ang DNA test nila ni Karlie.
∆~∆~∆~∆~∆
"Ate hindi ba't sa makalawa na ang birthday mo? Anong plano mo? Sa bahay ba gaganapin?" ani Moxie habang namimili ng ilalagay sa grocery cart.
Kasalukuyan silang nag-g-grocery dahil naubusan na sila ng stock sa bahay. Pagkatapos niyang ihatid ang anak sa eskwelahan nito ay sinama niya ang kapatid para makapag-grocery.
"Oo. Napag-usapan namin 'yan no'ng nakaraang gabi ni Devin. Gusto ko ngang sa bahay lang ipagdiwang pero gusto niyang sa mansion nila kami magcelebrate." aniya at napanguso.
"Pa'no 'yan eh hindi pa kayo nagkakaayos ng biyenan mo?"
"Iyon na nga eh pero ewan ko. Hindi ako sanay na magcelebrate ng birthday sa malaking bahay. Simpleng handaan lang okay na sa'kin 'tsaka masaya na ako dahil kumpleto kaming tatlo." nakangiting saad niya. Tumango-tango naman si Moxie at dahil sa nakikitang saya sa mga mata ng nakakatandang kapatid ay masaya na rin siya.
Sana lamang ay tuloy-tuloy na ang sayang nakikita niya sa nakakatandang kapatid at mawala na ang lungkot sa puso nito. Pagkatapos mag-grocery ay may dinaanan pa silang jewelry shop bago tuluyang umuwi.
∆~∆~∆~∆~∆
"Mommy nandito si Tito River." anang anak na si Karlie sa ina na abala sa paninigarilyo sa terasa ng bahay. Nakasunod naman dito si River kaya naman tinignan lang niya ito.
"Anong ginagawa mo dito?" anang babae nang makaalis ang anak at silang dalawa na lang ang naiwan.
"May ibabalita ako sa'yo."
Itinukod ni River ang dalawang siko sa railing ng terrace habang walang emosyong tinignan siya ni Zyrine.
"May gaganaping okasyon sa bahay ni Yna at sigurado akong enggrande iyon dahil si Devin ang may pakana. Nabalitaan ko ring dadalo ang mga magulang ni Devin sa okasyon at sinisiguro ko sa'yong mukhang nagkaayos na ang magbiyenan."
Nilingon ni River ang babae nang wala man lang itong reaksyon sa sinabi niya. Nilalaro nito ang usok na lumalabas sa bibig nang lingunin siya.
"Oh, tapos? Anong gusto mong gawin ko?"
Umayos ang lalaki sa pagkakatayo at hinarap ang babae.
"Akala ko ba gusto mong bumalik sa'yo si Devin? Hahayaan mo na lang bang tuluyang magkabalikan ang dalawa?"
"I already knew it before you came here. I already planned what I'm going to do." aniya at sumilay ang ngisi sa labi nito.
Napangisi ang lalaki at napahawak sa baba.
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romance❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023