KABANATA 48

818 5 0
                                    

KABANATA 48

Devin's POV:

"Devin!"

Hindi na ako nag-abala pang lingunin kong sino iyon dahil kilala ko kung kaninong boses iyon. Kay ate.

"Devin, anong nangyari? I'm sorry kakatapos lang kasi ng shoot ko and nagulat ako sa news. Where's Yna? How is she?" Wala sa sariling nilingon ko siya at niyakap na lang siya bigla.

"Ate...ate si Yna..." Hinaplos niya lang ang likod ko at pinapakalma.

"Shh... Everything's gonna be okay. Magiging maayos din ang lahat. Nandito lang si ate." Aniya.

Wala na akong pakialam kung nagmumukha na akong bakla dahil sa pag-iyak ko. Gusto ko lang ilabas ang bigat ng dibdib ko kanina pa. I can't afford to lose her again. Not her. Not my wife please lord...

"Nasaan ang anak ko? Nasaan si Yna?" Kaagad akong nag-angat ng tingin at nakita ang Papa ni Yna na humahangos kasama ang step mother niya. Tumayo ako at nagpunas ng luha bago sila lapitan.

"Devin, nasaan ang anak ko? Anong nangyari sa kaniya?"

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung paano ko sasabihin. Naramdaman ko ang presensya ni ate sa tabi ko. Naghihintay naman ang papa at step mother ni Yna sa sasabihin ko.

"N-Nasa e-emergency room ho siya t-tito. Inaasika–"

"Ano? Ano bang nangyari sa kaniya? Sabihin mo! Ano?"

Hindi na ako nakapalag pa nang kwelyuhan niya ako kaya napayuko na lang ako. Inawat naman siya ng asawa niya at ni Ate.

"Sir...sir kalma lang ho tayo. Hindi pa ho namin alam kung anong nangyari. Hindi pa ho lumalabas ang doktor. Mas mainam na kumalma muna tayo at hintaying lumabas ang doktor. Kapatid ho ako ni Devin." wika ni Ate.

Nilingon naman siya ng papa ni Yna bago lumuwag ang hawak niya sa damit ko.

Natahimik kaming apat at bumalik kami ni Ate sa pagkakaupo. Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan ng ER kung saan dinala si Yna at lumabas doon ang doktor kasama ang dalawa pang nurse.

Mabilis kaming lumapit sa kaniya.

"Doc, how's my wife? I'm her husband? A-Ano... K-Kumusta siya?" Kinakabahan kong tanong. Lahat kami ay hinihintay ang sasabihin niya habang tinatanggal niya ang face mask at gloves niya bago ibinigay sa nurse na nasa likod niya bago umalis.

The doctor look at me intently and I feel the tension between us now. Naramdaman ko ang pagpisil ni ate sa braso ko pero nanatiling tutok ang mga mata ko sa doktor.

"Maraming dugo ang nawala sa kaniya dahil sa pagkakahulog niya mula sa mataas na gusali. Mabuti na lamang at malakas ang kapit ng kambal sa sinapupunan niya at nagkaroon lang ng bleeding. Sa ngayon kinakailangan pa natin siyang obserbahan for her better recovery." Mahabang paliwanag ng doktor.

"Ano kamo dok? N-Nahulog? Saan?" Garalgal ang tinig ng papa ni Yna. Hindi ko na napigilan at napayuko na lang ako. This is all my fault.

"Yes. Nahulog siya mula sa mataas na gusali at iyon ang naging dahilan para mawalan siya ng maraming dugo. Nasalinan na namin siya ng dugo and the best we can do now is observe her until she recover."

"Wait doc, nasabi mo kanina na malakas ang kapit ng kambal. Does it means that she's pregnant?" tanong ni Ate.

Kambal? Naluluha akong umangat ng tingin at hinintay ang sasabihin ng doktor.

"Yes, she's 3 weeks pregnant. Chineck din namin ang vital signs ng kambal and they are all good. Congratulations Mr. Wellington!"

Nanatili akong nakatayo at naestatwa hanggang sa makaalis ang doktor.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon