KABANATA 5

2K 23 0
                                    

WARNING: MATURED CONTENT ONLY!!!🔞

READ AT YOUR OWN RISK!!!

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. IT CONTAINS SENSITIVE WORDS AND ACTIONS.

Skip If you're not comfortable of reading this (^^)

"Yna pasuyo naman. Kunin mo 'yung order dun oh, may aasikasuhin muna ako."

"Sige." Lumapit naman siya sa tinurong customer ng kasamahan niya kaya pinuntahan niya kaagad iyon.

"Good day sir, Ano pong oorderin niyo?"

Nilingon siya nito at nagbaba ng shades.

Palihim siyang napangiti sa isipang iyon.
Umayos ng upo ang customer at tinignan siya nito.

"Kung ano 'yung mairerecommend mong masarap? That's it."

"Uhm, maiinom sir?"

"Just water."
Tumango na lang siya bago talikuran ito. Napansin nyay pang panay ang tingin sa kaniya kaya dali-dali siyang bumalik sa counter para kuhanin ang inorder nito.

"Here sir. Enjoy the meal." Nginitian lang siya nito at umalis na siya.

Hindi niya maiwasang hindi mapatitig dito habang kumakain dahil sa itsura nito na nakakabighani naman talaga.
Napapangiti pa siya at tila kinikilig pa.

"Woii... baka matunaw." kinalabit siya ng isa sa mga katrabaho niya kaya napalingon naman siya dito.

"Hindi naman. Ang angas lang ng dating niya para sa'kin." aniya at pasimpleng ngumiti.

"Ehem! Sabi ko kunin mo lang yung order pero mukhang pati yata puso mo nakuha niya."

Sinulyapan lang niya ang katrabaho bago muling binalik ang tingin sa lalaking naka-shades.

Nang mapatingin ang lalaki sa pwesto nila ay bahagya pa siyang siniko ng katrabaho bago ito umalis sa gilid niya. Samantalang kinindatan naman siya ng lalaki kaya yumuko at ngumiti lang siya.

Alas-otso nang gabi ay nagsara na sila at nagsiuwian na lahat. Papalabas na siya at nakita niya ang customer kanina na lalaki at mukhang may inaabangan. Nagpalinga-linga siya at nakitang wala pa si Devin para sunduin siya.

"Heyy, Are you going home?" Nilingon naman niya ang lalaki at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya.

"Uh, I'm waiting for my friend." ngumiti siya dito.

"Hatid na kita." anito ng lalaki at bahagyang lumapit sa kaniya.

Napaatras siya ng kaunti.
"N-nagtatagalog ka?"

Tumawa ito ng bahagya at nagpamulsa.
"Well, Yeah. Hatid na kita gabi na oh."

"H-Hindi na paparating na 'yung kaibigan ko. Siya susundo sa'kin eh."

"Baka di na darating 'yun." anito ng nakapamulsa sa tabi niya. Kinabahan naman siya ng very slight sa sinabi nito. Hindi pwedeng hindi siya sunduin ng kaibigan dahil naging routine na nito ang pagsundo sa kaniya. Never namang pumalya ang binata na sunduin siya dahil kung magccommute siya mas magagastusan siya ng pamasahe gayong barya lang ang meron siya sa wallet niya.

"Wait, he's here." aniya ng matanaw na ang kotse ni Devin. Nabuhayan naman siya ng loob at nawala ang kabang kanina lang ay nararamdaman niya.

Huminto ang kotse ni Devin sa harapan ni Yna at bumaba doon si Devin at nilapitan soya.
"Devs, ang tagal mo naman." Lumapit siya at hinalikan sa pisngi ang binata.

"Sorry, may tinapos lang." anito at napatingin sa lalaking kanina pa nakamasid sa kanila.

"Uh, I'm River. Ihahatid ko na sana siya kaso ayaw niya."

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon