KABANATA 20

1.1K 9 0
                                    

KABANATA 20

"Ano? Paanong-"

"Hindi ko alam na siya pala ang nirecommend sa'kin ni Mr. Alfonso na imemeet ko. I was just shock too when I saw him earlier. Muntik niya pa akong sundan kanina mabuti na lang at nahalata ko agad." wika ni Nolane habang nakaupo sa sofa.

"Teka, baka nasundan ka niya? Baka alam niya na kung nasaan kami ngayon ng anak ko. Nolane..."

Nagpabalik-balik naman si Yna sa paglalakad at panay ang kakatingin sa gate nila sa baba mula sa terasa nila sa taas. Hindi siya mapakali ngayong ibinalita sa kaniya ni Nolane na nagkausap ang dalawa at posibleng nasundan ito.

Inabot ni Nolane ang kamay ni Yna at pinaupo ito sa tabi niya.

"Yna, calm down. Don't worry hindi niya ako nasundan. Magdodoble ingat ako sa susunod, pangako."

"Salamat, Nolane."

Tumango naman si Yna bago siya hapitin at ihilig ang ulo sa balikat ni Nolane.

"Don't be so worried. Kailangan lang nating mag-ingat dahil alam kong pinapahanap ka niya sa private investigator."

"Hindi niya kami pwedeng makita Nolane. Hindi niya pwedeng makita ang anak ko."

"Shh, I know. Ako na'ng bahala."

Tumango na lang si Yna habang yakap-yakap ni Nolane. Pakiramdam niya'y ligtas siya sa mga bisig nito. Nagpapasalamat talaga siya dahil nakilala niya si Nolane na handang tumulong sa kaniya na walang kapalit.

May mga lalaki pa din palang katulad ni Nolane na nag-eexist sa mundong ito. Sana marami pang katulad niya. Mapalad ang mga babaeng makakahanap ng katulad ni Nolane.

Ngunit sa kabilang banda naman ay natigilan si Moxie sa paglalakad nang makitang magkayakap si Yna at si Nolane. Bahagya siyang lumapit sa dulo ng halaman at pinakatitigan ang dalawa.

"Nanliligaw kaya si kuya Nolane kay ate Yna? Anong meron sa kanila?"

Tanong ni Moxie sa isipan habang pinagmamasdan ang ate at si Nolane na magkayakap.

∆~∆~∆~∆~∆

"Ate..."

"Hmm?"

Kasalukuyan silang nasa kusina at nagmemeryenda. Wala pa si Jules dahil nasa eskwelahan pa at mamaya pa ito susunduin ni Moxie. Nagpapalaman si Yna sa tinapay ng ginawa niyang itlog at mayonnaise ng tignan niya si Moxie na nakatutok ito sa kaniya. Yung tinging nang-iimbestiga.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? May problema ba?"

Kumagat muna si Yna sa sandwich at naupo naman siya sa stool habang hinihintay na magsalita si Moxie.

"Wala naman. Nagtataka lang ako ate," ani Moxie at bahagyang humilig sa kinauupuan.

"Nagtataka saan?" humigop si Yna sa kape habang nakatingin pa rin kay Moxie.

"Nanliligaw ba sa'yo si kuya Nolane ate?"

Natigilan naman sa pag-nguya si Yna bago niya dahan-dahang nilunok ang kinain.

"Ate?" Sinamaan niya ng tingin ang kapatid.

"Ano namang klaseng tanong 'yan, Moxie? Walang kami ni Nolane at lalong-lalo na hindi niya ako nililigawan." ani Yna at bahagya pang umismid habang kumakain.

Napatitig naman sa kanya ang kapatid.

"Sigurado ka ate? Walang... kahit something?"

"Anong something? Pinagsasasabi mo? Alam mo ikaw ang issue mo, tigil mo nga 'yan." ani Yna at inirapan ang kapatid. Ngumisi naman ito at nagkibit-balikat.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon