KABANATA 21

979 5 0
                                    

KABANATA 21

"Ate pupunta ba dito si kuya Nolane?" tanong ni Moxie kay Yna  habang abala siya sa paghahanda ng mga gamit ni Jules.

Idadaan niya na lang ito sa eskwelahan total nadadaanan niya naman ang eskwelahan ng anak.

"Wala naman siyang sinabi sa'kin. Alam mo naman 'yon kapag pupunta dito hindi magsasabi. Bigla na lang susulpot dito." Tumango naman si Moxie at nilinis na ang lamesa dahil kakatapos lang nila mag-almusal.

"May binilin pala akong pera. Nandiyan sa taas ng ref. Nilista ko na din lahat ng i-g-grocery mo para wala kang makalimutan."

"Sige ate."

"Siguraduhin mong nakalock ang bahay bago ka umalis. 'Wag ka din magpapapasok ng hindi mo kakilala. Ikaw lang mag-isa dito kaya mag-ingat ka."

"Bakit ate anong meron?"

"Moxie, alam mong ikaw lang lagi naiiwan dito sa bahay. Mag-ingat tayo sa mga magnanakaw dahil hindi natin alam kung kailan sila magnanakaw kaya ikaw 'wag kang magpapapasok ng kahit sino dito kundi makakatikim ka sa'kin."

Napakamot naman sa kilay si Moxie bago tumango sa sinabi ng ate niya.

"Jules, anak halika na."

"Yes mommy." Maya-maya pa'y narinig na niya ang yabag ng paa nito pababa kaya napangiti siya.

Lumawak ang ngiti niyang makita ang anak na nakaayos ang buhok nito. Nakaayos ng mabuti ang polo at ang suot nitong short na uniporme na hanggang tuhod lang ang taas. Napakalinis tignan ng anak at makikita mong binatang binata na ito sa postura.

"Napakagwapo naman ng anak ko."

"As you always say mom."

Nilapitan niya ito at niyakap.
"Mom don't ruin my looks. I am exhausted fixing it again."

"Asuss, may pinopormahan ka na sa school niyo ano?"

"What's p-pinophorma... What is it?"

"Naku, ate oras na para turuan nating magtagalog 'yang anak mo. Nakakadugo ng ilong pag-eenglish niya."

"Sabi ko may pinopormahan ka na sa school niyo? May nagugustuhan ka na ba anak?"

"I don't have crushes mom."

"Okay lang naman magka-crush anak. Walang masama do'n. Gaya ng lagi kong sinasabi sa'yo study first, okay? Okay lang magkagusto pero 'wag pababayaan ang pag aaral."

"Ayy oo nga pala ate hindi ko pa pala sa'yo naikuwento 'yong tungkol sa batang babae na tinulungan niya. Grabe ate big time ang tatay nung bata. Ang yaman, alam mo bang ang liit talaga ng mundo ate? Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana o ano eh." Nilingon naman niya si Moxie sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang aniya.

"Jules, mauna ka na muna sa kotse ng mama mo may pag-uusapan lang kami." ani naman ni Moxie at dali-daling binigay dito ang lunch box ng bata. Wala namang nagawa ang bata kundi ang sumunod.

Nagtataka man ay bahagyang lumapit si Moxie sa kaniya at palinga-linga pa ito sa paligid.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ate, alam mo ba? May tinulungang bata si Jules sa school no'ng sinundo ko siya tapos 'yong tatay ng bata alam mo ba kung sino?" Nanatili ang tingin ni Yna sa kapatid na palinga-linga pa din sa paligid animo'y ayaw na may makarinig sa pinag-uusapan nila.

"S-Sino?"

Hinawakan ni Moxie ng magkabila niyang balikat at niyugyug siya nito.

"Si kuya Devin ate!"

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon