KABANATA 26

926 8 0
                                    

KABANATA 26

"Oh, ate! Anong nangyari?"

Napagilid naman agad si Moxie nang dire-diretsong pumasok ang ate niya. Paakyat na sa kuwarto si Jules nang umalingawngaw ang boses ni Yna sa loob ng bahay.

"Jules!"

Napahinto naman sa kalagitnaan ng hagdan si Jules at hindi man lang nilingon ang Ina.

"Sa tingin mo anong ginawa mo, ha? Maganda ba 'yong ginawa mo na 'yon? Tinusok mo ng lapis ang kaklase mo?"

"I'm not the one who make a trouble, mom!" katwiran ng anak.

"Bakit mo nga ginawa 'yon? Alam mo bang suspended ka nang tatlong araw dahil d'yan sa ginawa mo?"

"I just got pissed! I got pissed that's why..."

Natahimik naman si Yna at napabuntong hininga na lamang. Humarap si Jules at tinignan ang ina.

"I'm sorry mom if I made you mad at me."

Nanatili lamang ang tingin ni Yna sa anak bago lapitan ito. Hinaplos ang pisngi ng anak.

"What's happening, huh? Is there a problem? Is this about the last time we talk about? Did I made you upset, anak?" Nanatiling nakayuko ang bata. Inangat niya ang mukha nito sa kaniya at nakitang may namumuong luha sa mga mata nito. Parang may kung anong kurot sa puso niya nang makita ang mga mata ng anak.

"Mom,I miss my dad." Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi nito. Mas lalong nanikip ang dibdib niya sa itsura ng anak.

"Please? I want to know who is he. I miss him so much."

"Aren't you glad that Tito ninong is here? Don't you like him?" pinigilan niyang pumiyok ang boses at tumulo ang luha.

"He's not my dad. They're different. I want my true dad mom."

Napatakip siya ng bibig ng marinig na humikbi ang anak sa harap niya. Mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi bago niyakap ang anak.

"Hush... Don't cry na." Hinagod niya ang likod ng anak habang paunti-unti na itong tumatahan.

"Big boys don't cry right, mom?"

Tumango at ngumiti na lang siya dito habang pinagiisipan kung paano sasabihin o dapat na ba niyang sabihin dito ang totoo.

She left no choice.

∆~∆~∆~∆~∆

"Arrgghh!!!! That girl is getting into my nerves. The heck to say that to me. I want to slap her infront of those people. How dare she to insult me?"

Nanggagalaiti at halos umusok na ang ilong ni Zyrine nang makapasok sila sa loob ng kanilang bahay. Mansyon to be exact. Malaki ito at hindi katulad lang ng simpleng tahanan ng isang pamilya. Three storey house ito na iniregalo sa kanila ng mga magulang ni Devin noong ikinasal sila.

Pabagsak na inihagis ni Zyrine ang kaniyang shoulder strap bag sa sofa.

"Hindi mo na kasi dapat pinatulan. Tignan mo ikaw pa itong lumabas na masama sa kaniya. Tss." Nakapameywang na hinarap siya ni Zyrine.

"Lumabas talaga na ako ang masama dahil kinampihan mo ang walang 'yang babae na 'yon. Ang lakas ng loob na sagutin ako nang gano'n sa harap pa mismo ng anak mo!"

"Hindi ko siya kinampihan, Zyrine. Ang sa akin lang hindi mo na sana pinalala ang gulo."

"Sa tono mong 'yan hindi mo siya kinakampihan?"

"Hindi. Why would I d–"

"Dahil ex mo siya, Devin. Alam kong mahal mo pa siya. Akala mo ba hindi ko pansin 'yong haplos ng tingin mo sa kaniya? Kung paano mo siya tignan? Kung paano kayo nagtinginang dalawa sa harap ko?"

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon