KABANATA 24

861 7 1
                                    

KABANATA 24

"Anong oras na Moxie wala pa din ang anak ko. Jusko, bakit mo naman kasi iniwan nang walang bantay do'n eh."

"Ate, sorry na. Hindi ko na kasi mapigilan kanina eh."

"Kapag may nangyari talaga sa anak ko makakatikim ka sa'kin." banta niya sa kapatid.

Napakamot na lang sa ulo si Moxie habang kanina pa pabalik-balik nang lakad ang ate niya sa harap ng school.

Naikot na nila ang buong campus at nagtanong-tanong kung nakita ba nila ang bata ngunit walang nakapagsabi kung nasaan ito. Sari-saring what ifs na ang pumapasok sa isip ni Yna.

Isang itim na kotse ang tumigil sa harap ng school at dali-daling bumaba doon si Jules.

"Ate.." Nilingon siya ni Yna at napabaling sa itim na kotse. Nakita niya ang anak na bumaba doon at mabilis itong tumakbo sa kanya.

"Mommy!!!!"

Kaagad niyang sinalubong ang anak at mahigpit na niyakap.

"Jusko, saan ka ba nagpunta? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo noon na huwag kang aalis dito hangga't wala pa si Tita Moxie mo? Alam mo bang pinag-alala mo ako nang sobra kanina? Okay ka lang ba? Saan ka galing?" Tuloy-tuloy na wika ni Yna nang kumalas sa yakap ng anak.

"Sorry, mom..." Hinaplos niya ang mukha ng anak at muli itong niyakap.

"Ate..." Nakangiwing tawag ni Moxie kay Yna.

Napaangat siya ng tingin at kaagad na nagsalubong ang tingin nila ni Devin. Bigla siyang kinabahan at walang salitang nabuo sa kaniyang isip habang nakatingin sa lalaki.

"Mommy? Anak mo, Yna?"

Saglit pang sinulyapan ni Devin si Jules at binalik ang tingin nito sa kaniya. Mabilis na tinago ni Yna ang anak sa likod niya at tinignan si Devin na ngayon ay nakakunot noong pabaling-baling ang tingin sa kaniya at sa anak.

"Bakit magkasama kayo ng p-pamangkin ko?" Nakagat niya ang sariling dila sa sinabi niya.

"Sorry anak, but I have to do this. Sana mapatawad mo ako."

"Pamangkin? Bakit mommy ang tawag niya sa'yo?"

"Moxie, sumakay na kayo sa kotse."

"Sige ate." Mabilis namang tumalima ang kapatid kasama si Jules.

"It's none of your f*cking business, Devin."

"I don't believe you. I know and I feel that he's my son. Don't play with me, Yna." Matalim siyang tinignan nito at bahagya pang hinawakan ang braso niya.

"Let go of me."

"Akala mo ba hindi ko alam? Alam mong anak ko siya at kapag napatunayan kong siya ang anak ko..."

"What? Kukuhanin mo siya sa'kin? Sinasabi ko sa'yo, Devin hinding-hindi mo makukuha sa'kin ang anak ko." pagbabanta niya.

"See? So anak ko nga siya?" ani Devin. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Devin at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Mabilis siyang tumalikod dito at baka kung ano pang masabi niya sa lalaki. She's can't deny it. Nadulas na siya dito at hindi niya na mababawi iyon.

Hindi pa siya nakakalayo dito nang magsalitang muli si Devin na ikinatayo ng kaniyang balahibo.

"We will take a DNA test. At kapag napatunayan na anak ko si Jules... Pagsisisihan mo kung bakit mo siya tinago sa'kin, Yna. Mind my words!"

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon