KABANATA 19
"Thank you for that information."
"No problem sir. Sige po aalis na ako."
Tinanguan lang siya ni Devin bago ito lumabas sa opisina nito. Napatitig siya sa kawalan habang iniisip ang sinabi ng private investigator na inatasan niyang maghanap.
"Nasaan kana ba? Hinding hindi ako titigil hanggang hindi kita nakikita,kayo ng anak natin. Mahahanap din kita."
Napalingon siya sa pintuan nang bumukas iyon at iluwa ang asawa.
"Hon, tapos ka na ba? Remember may family dinner tayo with our parents?"
"I did not forgot." simpleng sagot nya at tumayo na.
"Hey, are you okay?" hinawakan ni Zyrine ang braso ni Devin.
"Let's go together."
Napabuntong hininga na lang siya at hinayaang kumapit ang kamay nito sa braso niya.
Sa loob ng halos sampung taon ay naipakasal nga silang dalawa. Nagkaroon sila ng anak.
Patuloy din ang paglago ng kompanya nila Devin dahil siya na ang nagpapatakbo nito.
Sa loob ng sampung taon puro pagpapanggap lang ang ginagawa nila para hindi mahalata iyon ng kanilang mga magulang.Dahil sa pag-aalala kay Yna at sa anak nila ay nagawa niyang ipahanap ang mga ito kahit na hanggang ngayon ay wala pa siyang nakikitang pag-asa na makikita niya pa ang mga ito. Pinanghihinaan na siya ng loob pero kailangan niyang makita at makausap ang dating nobya para magkaayos sila. Alam niyang galit na galit sa kaniya si Yna dahil sa ginawa niya at kaya niyang tanggapin kong ano man ang sasabihin nito sa kaniya kapag nagkausap na sila.
Nang makauwi siya noon sa kaniyang condo ay wala na siyang naabutan doon maliban na lamang sa note na iniwan ni Yna. Gustuhin man niyang magbakasakali na nasa papa ni Yna ang dalaga ay wala siyang lakas ng loob. Wala siyang mukhang maihaharap doon dahil nasisiguro niyang alam na ng papa ni Yna ang nangyari. Kaya sa loob ng sampung taon ay tanging private investigator lang ang naaasahan niyang magdadala ng magandang balita sa kaniya na sa wakas ay natunton na si Yna.
Nang makauwi sila ay naabutan nila ang kanilang mga magulang sa living room at tuwang tuwa na nilalaro ang kanilang anak na si Karlie Eyve.
"Mommy!" Masiglang sinalubong sila nito at niyakap.
"Hi baby. I miss you anak." ani Zyrine bago buhatin ang anak at halikan ito sa pisngi.
"I miss you too mommy and daddy."
Nginitian lang ni Devin ang anak at halikan din ito sa noo bago pinuntahan ang mga magulang na naghihintay sa kanila.
"Kanina pa ba kayo mom?"
"Hindi naman masyado anak honestly natutuwa kami sa apo namin habang hinihintay namin kayong dalawa ng asawa mo." ani ng ina bago siya nito halikan sa pisngi.
"Should we eat now. Kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan." ani ng papa ni Zyrine dahilan para nagtawanan sila papunta sa dining table.
∆~∆~∆~∆~∆
Tahimik na ang gabi at iilan na lang ang mga ilaw sa ibang bahay. Maliwanag ang buwan na umaabot sa loob ng kuwarto nila Devin.
Kasalukuyang naliligo si Devin sa bathroom at nag-aapply naman ng night cream sa mukha si Zyrine ng may mapansin siyang long folder na nakaipit sa ilalim ng kama nila Devin. Dahil sa kuryusidad ay kinuha niya ito at binuklat.
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romance❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023