KABANATA 42
"Manang, where's Mom?"
Bungad kaagad ni Daryelle ng makapasok sa kanilang bahay. Gusto niyang malaman kung totoo ba ang sinabi ng kapatid ni Yna sa kaniya kani-kanina lang. Kahit na may instinct siyang hindi malabong gawin iyon ng ama niya kay Yna noon gusto niya pa ring marinig sa mga magulang ang totoo at ang rason ng mga ito kung bakit.
"Ayy ma'am nasa terrace ho siya. May bisita ho kasi siya."
Tumango lamang siya dito at mabilis na pumunta sa terrace. Nasa pinakamataas pa iyon ng palapag ng bahay nila kaya kahit na paakyat ng hagdan ay hindi niya alintana ang pagod at sakit ng paa niya. Malayo pa lang siya ay naririnig niya na ang tawanan at hagikhikan ng mga kaibigan ng Mommy niya.
"Mom!" aniya.
Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya at natigil ang kaninang masayang tawanan.
"Oh, iha? May kailangan ka ba?" anito nang malapad ang ngiting hinarap siya.
Ngumiti siya ng peke dito bago nilingon ang mga amiga ng Ina.
"I want to talk with you mom. In private." aniya at pinagdiinan pa ang huling salitang binanggit niya. Pinandilatan niya ng mata ang Ina.
"Gaano ba kaimportante 'yan at kailangan pa nating mag-usap in private?"
"Well, importanteng importante mom na halos ikasira nang buhay ng kapatid ko. Nakuha niyo pa talagang makipagtawanan dito kasama ang mga kaibigan niyo samantalang nag-aagaw buhay ang anak niyo sa hospital. Mom, naaksidente si Devin. How do you manage to laugh while Devin is in the hospital? What kind of mother are you?"
"Aba't..."
"What? Ano ipapahiya niyo rin ba ako gaya ng ginawa niyo sa asawa ni Devin?"
Nanlilisik ang mga mata ng ginang habang nakatingin sa kaniya. Pinandilatan niya rin ito ng mata at nakipagtitigan dito na animo'y hindi natatakot kahit na nasa gitna nila ang mga kaibigan ng Ina.
"My dear friends, I'm sorry but my daughter and I need to talk."
Nagsitanguan naman ang mga ito at mabilis na naglaho sa paningin nilang dalawa. Sinundan niya ng tingin ang Ina habang iniinom nito ang alak nang dire-diretso.
"Now, what do you need to know?"
"Huh! Ibang klase rin ho kayo eh. Paano niyo nagagawang magsaya samantalang nasa bingit na ng kamatayan ang anak niyo?"
Nakita niyang pasimpleng ngumisi ang ginang at hindi iyon nakalampas sa paningin niya.
"Isn't he dead yet?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at kinilabutan ang kaniyang buong sistema. Kasabay ang pagngisi nito na mas kinatakot niya.
"W-What d-do you mean?"
"Akala ko matalino kang bata, Daryelle? Bakit hanggang ngayon hindi mo alam? Well, hindi ko rin masisisi si Herman kung bakit mas pinili naming isekreto sa inyo ang lahat."
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa ginang. Nagugulumihanan siya kung anong tinutukoy nito sa mga sinasabi. Kalmadong pinaikot-ikot ng ginang ang laman ng alak sa baso habang pinagmamasdan ito.
"Can you please tell me what are you talking about? I am not an auger to predict what you are saying." Tinapunan siya ng tingin nito bago muling uminom ng alak.
"I don't care if he's in that fucking hospital, Daryelle. I don't even care if he's dying. Let him be."
"What? Are you going insane mom? He's your son. What are you saying? Is like that your acting that you're not his mom."
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romansa❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023