KABANATA 29

814 8 0
                                    

KABANATA 29

"What? H-How did he know everything?"

Nagulat naman si Moxie sa sigaw ni Nolane ng mailagay na niya ang isang basong may lamang juice sa maliit na lamesa sa living room. Nakatayo si Nolane at nakapameywang habang nakaupo naman si Yna sa sofa at tahimik na nakayuko na para bang pinapagalitan ng tatay dahil sa nagawang kasalanan.

"Pumunta siya kila papa. S-Sila ang nagsabi nang lahat. Galit ako Nolane, galit ako."

Tiim bagang na hinarap ni Yna si Nolane na nag-aalala ang ekspresyon ng mukha nito.

"Galit ako dahil pinangunahan nila ako. Pinangunahan nila ang desisyon ko. Buhay ko ito eh, buhay ko. Hindi na sana sila nakialam sa problema ko."

Napahikbi naman si Yna dahil sa poot at hinanakit sa papa at madrasta niya.

"Oh sh¡t! They didn't even interfere in this. Sana naman hindi na sila nakialam pa. Tama ka, Yna. Pinangunahan ka nila. Ikaw dapat ang magdedesisyon nito. How about Jules? A-Alam na ba niya?"

Mabilis na umiling-iling si Yna sa kaniya habang hindi mapigil ang hikbi nito.

"I don't know! I...I don't know h-how I going to tell him about this Nolane. Sobra na akong nahihirapan...Hindi ko na alam. Hindi ko na alam..." hikbi niya.

Umupo naman si Nolane at hinagod ang likod niya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngunit mas lalo lang siyang humagulhol ng iyak.

"Shhh... it's okay! I'm here! Sasamahan kitang masabi mo sa kaniya ang totoo."

Nolane kissed her forehead and reassured her that everything's gonna be okay.

"What's truth Mommy?"

Mabilis na napalingon silang dalawa sa pintuan kung saan nakatayo si Jules habang nasa kamay nito ang bag niya. Parang nabingi naman si Yna sa sinabi ng anak kaya hindi agad siya nakagalaw.

Humahangos naman na pumasok si Moxie sa living room.

"Ate..."

Napalingon naman ito sa labas ng pinto kaya napatingin silang lahat doon at gayon na lamang ang magkahalong emosyon na nararamdaman ni Yna ng mga oras na iyon nang makitang pumasok si Devin. Kaagad na nagtama ang tingin nilang dalawa at halos matunaw siya nang makita ang bakas ng pagtataka doon.

"What truth mommy? What are you talking about with Tito ninong?"

Walang mabuong salita si Yna habang tinitignan siya ng anak at hinihintay ang sagot niya. Umayos siya ng tayo at sinubukang lapitan ang anak pero lumayo ito sa kaniya at humawak sa kamay ni Devin kaya mas lalong tumulo ang luha niya at napatingin siya kay Devin.

"What did you say to him?" nagtatangis ang bagang niyang paratang dito.

"Just tell him the truth, Yna. Sabihin mo na ang totoo sa kaniya para hindi na siya nagtatanong pa."

"DEVIN!" sigaw ni Nolane

"Don't you fvcking dare to interfere here you d*mbass!" galit na binalingan ni Devin si Nolane. Wala namang nagawa pa ang huli kundi ang itikom ang bibig at palihim na ikinuyom ang kamay.

"ANO BA DEVIN? HUWAG MO NANG DAGDAGAN PA PLEASE AYOKO NA..."

"There you go... Ayaw mo na pero mas pinapalala mo pa ang lahat. Why did you just tell him the d*mn truth for us to be okay?"

"Mommy, why are you crying?"

"Yna..."

Sinamaan ng tingin ni Devin si Nolane pero hindi ito nagpatinag kaya lumapit ito kay Yna at inalalayan makatayo. Inabot naman ni Yna ang kamay ng anak habang patuloy na dumadaloy ang mga luha niya.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon