KABANATA 47
"God! Eto nagriring na..." bakas sa boses ni Devin ang saya nang mag-ring na ang selpon ni Yna at sinagot iyon.
"Hello! Babe... Where are you? Nag-aalala ako... kami sa'yo. Kasama mo na b–" pinutol ni Yna ang sasabihin ni Devin.
"Hindi ko alam kung nasaan ako pero k-kasama ko si Zyrine...Devin... please puntahan mo ako. Ngayon na ahhh...Arayyyy...nasasaktan ako Zyrine...." rinig niyang sigaw nito sa kabilang linya.
Napatayo si Moxie sa kinauupuan niya at ganoon din ang mga pulis sa narinig. Tinapunan ni Devin ng tingin ang mga ito.
"Yna, babe....anong nangyayari d'yan? Yna?"
Hindi na sumagot si Yna sa kabilang linya kaya naman mabilis niyang nilingon ang mga pulis.
"Natrace niyo ba yung number niya? I'm sure something bad happened to her dahil sabi niya kasama niya si Zyrine."
"Bakit sila magkasama?" Tanong ni Moxie.
"Hindi ko alam. Natatakot ako sa maaaring gawin ng babaeng 'yon sa ate mo Moxie. Lalong lalo na sa kaligtasan ni Jules na hanggang ngayon hindi natin alam kung saan dinala ni Zyrine. Knowing Zyrine she's desperate now that I cannot know her so well like before."
Sabay na napatingin sila ni Moxie sa monitor kung saan sinusubukang itrace ng mga pulis ang location ni Yna ayon sa number nito.
"What does that red dot means?" kuryos na tanong ni Devin.
"Natrace na ho namin ang location ng lugar kung saan maaaring nandoon ang asawa ninyo. Pero delikado ang lugar sir. Mahihirapan tayong suungin at iligtas ang asawa niyo."
"Gaano kadelikado ba?" Hindi napigilang tanong ni Moxie na matamang nakatitig sa monitor.
"Sa likod ng abandonadong building may malalim na bangin na hindi kaagad mapapansin. Kung sa harap naman tayo dadaan makakatunog sila na may mga pulis."
"Eh di wag niyong patunugin ang serena niyo para hindi nila malamang may mga pulis." sagot ni Moxie.
Nagkatinginan naman ang mga pulis at malihim na natawa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Devin.
∆~∆~∆~∆~∆
"Ano ba? Bitawan mo sabi ako eh." singhal ni Yna kay Zyrine na hawak-hawak ang dalawa niyang kamay.
"Tumahimik ka sabi!! Gusto mo bang lumunok ng kutsilyo?"
Napakagat naman si Yna sa sariling dila at napapangiwi dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay nito. Bakal ata ang kamay ng babaeng 'to.
"Mom!"
Mabilis na dumako ang paningin ni Yna sa boses na iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya sa nakita.
"Anak... Jules..." parang matatanggal ang puso niya sa nakitang itsura ng anak.
Nakatali ang mga kamay at paa nito at kitang-kita sa mga mata ng bata na wala na itong lakas para kumalas sa mga ito.
"Walanghiya ka anong ginawa mo sa anak ko?" buong lakas na sigaw ni Yna habang sinusubukang kumawala sa pagkakahawak ni Zyrine. Ngumisi lamang ang huli dahilan para mas lalong mag-init sa galit si Yna.
Pilit siyang hinila nito palapit sa poste para maitali dito hindi kalayuan kung nasaan si Jules.
"P*t@ngin@ mo talagang babae ka. Kapag nakawala ako dito babalatan talaga kita nang buhay. Hay*p ka." singhal pa ni Yna habang abala ito sa pagtali sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romance❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023