KABANATA 1

6.1K 52 16
                                    

KABANATA 1

"Shhh... tahan na, Yna...Kanina ka pa umiiyak."

Dahan-dahan namang hinahaplos ng kaibigang si Devin ang likod ng dalaga.

"H-Hindi ko lang kasi matanggap kung bakit niya ako nagawang lokohin. L-Lahat binigay ko naman oras ko kahit na masyadong hectic ang schedule ko." Pinunasan naman ni Yna ang mga luha niya at inihilamos ang mga palad sa kaniyang mukha.

"Suss... ano kaba? Marami pa namang ibang lalake diyan na mamahalin ka at'saka hindi pa naman end of the world para magpakalunod ka d’yan sa kakaiyak mo 'no. Hindi siya kawalan sa buhay mo Yna. Tandaan mo ‘yan."

"P-Pero k-kase m-mahal ko sya devs." May luha sa matang tinignan niya si Devin.

"Eh p*t*n**n*ng  pagmamahal naman 'yan Yna. Hindi ba‘t sinabihan na kita dati na playboy yun? Hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sayo diba? Oh! Ano ngayon napala mo? Iiyak-iyak ka ngayon d‘yan?" mahabang lintanya ni Devin sa dalaga. Napatahimik naman si Yna at kinagat ang ibabang labi sa panenermon ng binata.

Magkikita sana si Yna at ang nobyo nito para sana magdate sila ngunit nakita niyang may kahalikan ito sa carpark ng pinagtatrabuan niya kaya nakipagbreak sya. Agad namang tumalima ang boy best friend niya upang i-comfort siya ng tawagan niya ito.

"Ano ba devs? Kaibigan ba talaga kita? Daig mo pa nanay ko kung sermunan mo‘ko eh." Pinahid na nito ang luha at inayos ang sarili.

"Eh para na‘kong t@ngang nagpapaalala sayo na dati pa hiwalayan mo na ‘yang gonggong na ‘yun? Pero anong ginawa mo?Nakikinig ka nga sa'kin lumalabas naman sa kabila mong tenga lahat ng payong binibigay ko sayo. Tss!" Ngumuso naman si Yna at humilig sa balikat ng kaibigan.

"Ehh... sorry na, Devs. Gano'n talaga siguro kapag nagmamahal ‘di bale ikaw kasi never ka pang may ipinakilala sa‘king girlfriend mo." Pairap niyang aniya bago kumalas dito at lumihis ng pwesto. Kunot-noong nilingon siya ni Devin.

"Eh sa sakit lang ng ulo dala n‘yan. Teka nga, ba‘t saken napunta ang usapan??"

"Ewan ko."

Lumapit si Devin sa tabi ni Yna at niyakap ito. Pinatong niya ang baba sa balikat ng kaibigan. Nakanguso pa din si Yna at nag-iwas ng tingin.

"Kahit na pasaway ka love na love pa din naman kita eh. Kasi best friend kita." bulong nito sabay gulo sa buhok ng dalaga.

"Heh! 'Wag mo'kong yakapin." Pagkalas niya sa yakap nito na ikinakunot ng noo ng huli. Humarap siya sa lalaki at yumuko dahil hindi niya magawang tignan ito sa mga mata.

"Oo na. Sorry na kasi di ako nakinig sayo. Thank you sa lahat-lahat devs ah? Kasi ikaw lang nandiyan para sa'kin."

Napangiti naman ng palihim ang binata sa narinig. "Wala 'yon at'saka magkaibigan naman tayo. Wala lang ‘yun sa'kin."

Ngumiti siya sa kaibigan at hinaplos nya ang pisngi nito.

"Kalimutan mo na ang lalakeng ‘yun. Ang gawin mo na lang ngayon ay mahalin at alagaan mo ang sarili mo dahil walang ibang gagawa no'n kundi ikaw lang at ako?" tugon nito na pinahina ang huling sinabi para di marinig ng dalaga. Marahan namang tumango si Yna na animo'y isang maamong tupa.

"But...you have to treat me. I want ice cream devs." Nagpuppy eyes pa ito na ikinatawa nila parehas. Kinabig naman siya ng kaibigan bago guluhin ang buhok niya. Masaya nilang tinahak ang mall malapit sa trabaho niya para bumili ng Ice cream.

Nabuo ang pagiging magbestfriend nila noong mag-high school sila at parehas na magkaklase. Hanggang sa makatapos sila ng highschool ay hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Tumagal ang pagsasama nila bilang magkaibigan kahit na magkaiba sila ng tinahak na landas matapos nilang grumadweyt. Hindi naman inaasahan ni Devin na mahuhulog ang loob nya sa matalik na kaibigan. Pinilit n‘yang kalimutan ang nararamdamang iyon ngunit hindi mawala bagkus ito ay mas lalong lumalalim pa. Itinago nya ang nararamdamang iyon kay Yna sa kadahilanang ayaw n‘yang masira ang nabuong pagkakaibigan nila at ayaw lumayo ang loob nito sa kaniya.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon