KABANATA 43

790 4 0
                                    

KABANATA 43

Pagkasara ng pintuan ay humagalpak ng tawa si Devin at napahawak sa tiyan kaya naman natawa na lang din ang nurse at ang doktor niya.

"Hindi ko alam kung anong pumasok na kalokohan sa utak mo Wellington at nagpapanggap kang may amnesia. Kapag nalaman niya ito siguradong magagalit iyon sa akin." ani ng doktor habang inaayos ang dextros niya.

"Ano ka ba naman ninong sagot kita. Don't worry hindi naman magtatagal at aamin din ako sa kaniya. I just can't stop from laughing. Nakita mo 'yong itsura niya kanina mangiyak-ngiyak siya habang nakatingin sa'kin."

"Siraulo ka talaga kahit kailan eh." tugon naman ng nurse na anak ng doktor.

Tumigil naman siya sa kakatawa at biglang sumeryoso ang kaniyang itsura.

"Bakit ka ba nagpapanggap na may amnesia gayong halata naman na mahal ka pa niya?" tanong ng ninong niya.

"Oo nga, I'm sure hindi magandang binibiro mo siya nang ganoon."

"I just want to know and came from her precious mouth that she's still inlove with me. Kahit alam ko namang ako lang ang lalaking mahal niya gusto ko pa ring marinig iyon sa kaniya."

"Pero hindi ka ba nakokonsensya nang makita siyang umiyak kanina?"

Silang tatlo na lang ang nandoon dahil pati ang Mommy niya at Ate ay lumabas din.

"I am. Hindi din magtatagal ang galit niya sa'kin naniniwala ako do'n."

"Ano nang gagawin mo ngayon? Malupitang bawian at panunuyo ang gagawin mo niyan dahil sa ginawa mong ito." ani Stella na nurse.

"Ako na'ng bahala." aniya sabay kindat na sinundan niya ng malakas na tawa kaya naman mahina siyang kinurot ni Stella sa kaniyang tagiliran na ikinadaing niya.

∆~∆~∆~∆~∆

Hindi rin nagtagal si Yna at Moxie sa canteen at bumalik din kaagad sila sa room ni Devin. Gayon na lamang malakas na pagkabog ng puso niya nang makitang umiiyak si Daryelle at ang ginang habang nasa tabi ni Devin.

"Anong nangyayari?" aniya at mabilis na nilapitan ang katawan ni Devin.

Dahan-dahang tinignan siya ni Daryelle at puno ng luha ang mga mata nito ng harapin siya.

"H-He's gone..."

Nanlulumong tinignan niya ang mukha ni Devin na mahimbing lang na natutulog. Tumulo ang luha niya at mabilis na niyakap ang lalaki.

"Nooooo!!! Please wake up! We still need you...Devin...Wake up please..." pagsusumamo niya habang inaalog ang katawan ng lalaki.

Naririnig naman niya sa gilid ang iyak at hagulhol ng mag-ina at si Moxie na tahimik lang sa gilid.

"Devin, please... 'wag ka namang magbiro ng ganito... Hindi na ako natutuwa ah. ‘Wag mo naman kaming iwan ng anak mo. Kailangan ka pa namin..." aniya habang yakap yakap ang katawan ni Devin.

Sa kabilang banda naman ay habang yakap ni Yna si Devin ay minulat ni Devin ang isa niyang mata at tinignan si Yna sabay tingin sa kapatid na kunwaring nagpapahid ng luha. Pinandilatan siya nito ng mata kaya naman mahina siyang napabungisngis.

"Hindi ko pa kayang mawala ka please gumising ka. Devin mahal kita could you please wake up..." Marahang inangat ni Devin ang kaliwang kamay at hinaplos ng marahan ang buhok ni Yna.

"What did you say? Did I hear it right? Do you still love me?" aniya.

Natigilan naman sa paghagulhol si Yna at gulat na umangat ang tingin sa kaniya na ngayon ay mulat na mulat ang kaniyang mga mata. Marahan namang ngumisi ang lalaki habang nakatingin sa gulat niyang itsura.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon