KABANATA 30

997 9 1
                                    

KABANATA 30

Marahang inilapag ni Moxie ang plangganitang may lamang maligamgam na tubig na may alcohol na hiningi ni Devin.

"Salamat," tumango naman si Moxie.

"Babalikan ko lang sa baba yung gamot ni Ate."

Tumango lang din si Devin at ngumiti bago umupo sa tabi ni Yna. Napalitan na ng damit si Yna at nilalagnat ito dulot ng ulan kanina. Nasa baba naman si Jules at Nolane.

Marahan niyang piniga ang labakara (small towel) at dinampi sa kamay at braso ni Yna habang mahimbing itong natutulog. Hindi naman maiwasang mapatitig ni Devin sa dating nobya. Bumalik sa kaniyang alaala lahat ng mga pinagsamahan nilang dalawa noon. Yung mga masasayang araw na magkasama sila. Mga ngiti ni Yna na halos wala ng katapusan kapag kaniyang nasisilayan. He missed those smiles of her. He missed everything about their past. He missed everything about her.

Dinampian niya ng labakara ang noo nito. Napatitig siya sa mukha ng dating nobya. Those eyes...na kapag nagpapalambing ito sa kaniya noon ay hindi niya matanggihan lalo na noong naglilihi ito. Those lips...na lagi niyang hinahalikan kapag nanggigigil siya noon. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala iyon.

Maya-maya pa bumukas ang pintuan at pumasok doon si Moxie. Nilapag nito ang tray na may lamang tubig at gamot.

Tumango lang ito bago muling umalis.

Muli niyang pinatakan ng halik ang noo ni Yna bago nagpasyang lumabas dala ang plangganita.

"Is mommy okay?" agad na bungad ni Jules sa amang kalalabas lang sa kwarto ni Yna. Sandaling ginulo ni Devin ang buhok ng anak at tumango dito.

"She's okay, anak. May lagnat lang ang mama mo pero magiging okay na din siya."ngumiti siya dito kaya naman nginitian din siya ng anak.

∆~∆~∆~∆~∆

"You're still here."

Mabilis na nilingon ni Nolane ang nagsalita at nakita si Devin sa likod niya. Nilagay naman niya ang cellphone sa loob ng bulsa at hinintay na magsalita ang lalaki.

Narinig niyang bumuntong hininga ito kaya naman sandali siyang yumuko at pinagisipan kung anong sasabihin dito. Sa totoo lang marami siyang dapat sabihin dito. Hindi niya lang alam kung saan magsisimula.

"You're a good friend to her. A good friend who will help without waiting nothing in return. You're being a good friend to her kahit wala ako sa tabi niya noong mga panahong kailangan niya ako. Lalo na noong nagbubuntis siya nang wala ako sa tabi niya para alalayan siya. Instead of me doing the obligation as a father of our child and husband to her, you stand as her husband. Thank you. Salamat kasi nand'yan ka para alagaan siya, para bantayan ang mag-ina ko. I know that saying thank you wasn't enough but gusto kong malaman mo na utang na loob ko sa'yo ang lahat." mahabang lintanya ni Devin bago niya lingunin si Nolane.

"No. Wala kang utang na loob sa'kin dahil sa ginawa ko kay Yna. Wala kang dapat ipag-alala dahil ginawa ko lang ang karapat dapat na gawin. Ginusto kong tulungan siya at dahil doon masaya na ako."

Napatingala sa langit si Devin habang hindi mapigilan ang sariling sisihin ang lahat namg nangyayari. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nagkakaganito. Pero dahil tao lang siya at mas pinili niya lang ang makakabuti sa taong mahal niya.

"At the time, I thought you really truly cheat on her."

Napalingon naman sa kaniya si Devin. Hinihintay ang susunod niyang sabihin.

"Akala ko niloko mo siya."

"No! Hinding hindi ko magagawa sa kaniya 'yon. She doesn't deserve that."

"There you said. She doesn't deserve that but it almost done. Nasaktan siya. Sinaktan mo siya."

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon