KABANATA 45

921 4 0
                                    

KABANATA 45

Magkahawak-kamay sila ni Devin na pumasok sa establisyemento ng kompanya. Hindi naman maawat ang mga leeg ng mga taong empleyado na nakatingin sa kanila.

Napapayuko na lang si Yna dahil sa tingin ng mga ito. Hinigpitan ni Devin ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Hindi mo kailangang yumuko, babe. I am the boss here and you will also be the boss when we get married. Be confident that I will be your husband the one that owns this company."

"Hmm, yabang mo talaga." aniya at marahang kinurot ang tagiliran ng lalaki. Mahina naman itong tumawa.

Nawala ang mga ngiti nila ng buksan ni Devin ang glass door ng opisina niya. Nahinto ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa at tinignan sila.

"Mabuti naman at nagpakita ka na sa'min Devin Jace? Ang tagal mong nagtago ah?" ani Uziel bago ibinaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak ni Yna.

"What are you four doing here? Wala ba kayong mga trabaho at biglaan kayong lumusob dito sa opisina ko?" ani Devin at dumiretso sa swivel chair niya at pinaupo si Yna doon.

"Hanep ah! Bungad agad hawak-kamay? Ano gumana ba mga advice na sinabi ko sa'yo?" mayabang na saad ni Uziel.

"What's up men?" ani Jordyn at nakipagkamay sa kaibigan.

"Hindi ka sumasagot sa mga tawag at text namin bro akala namin nalunod ka na sa pu–" naputol ang sasabihin ni Caelan ng magsalita si Devin.

"Ano? Sige ituloy mo. Tatamaan ka sa'kin." ani nito at inambahan siya ng kamao nito.

"Relax bro nalunod sa PAGmamahal kasi yun. Ikaw naman hindi ka na mabiro." dugtong ni Caelan sa sinasabi niya kanina.

"Hi Yna! What's up?" bati ni Arien kay Yna na tahimik lang silang pinagmamasdan.

"Hi! I'm good." nakangiti namang saad ng babae.

"You are still beautiful to this day, not much different then."

"Thank you!"

"Enough of that Arien Kyel. Don't flirt with my wife."

"Oh! Relax men. Masyado ka namang possessive dito kay Yna. Kinukumusta ko lang ang asawa mo. Nothing else." Nakataas kamay na ani ng lalaki.

Natatawa namang napapailing ang dalawa.

"Anyway, babe if you still remember them they're my frie–"

"I know babe. Natatandaan ko pa sila. Hindi ko inaakalang hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin kayo kahit na iba iba kayo ng pag-uugali." pagputol niya sa lalaki bago tinignan isa-isa ang apat na lalaki.

"Yeah! Basta ako pogi lang ambag ko sa grupo." saad ni Uziel na mabilis na nag-iwas ng tingin pero may ngiti sa labi.

"Hanggang ngayon ba naman Uziel Evans? Kilabutan ka nga." Saad ni Caelan.

"So? What brings you all here?"

Nagkatinginan naman ang apat at ngumisi.

∆~∆~∆~∆~∆

"Nagugutom ka na ba? Do you want us to order food?" tanong ni Devin kay Yna na nakakandong sa kaniya habang busy ang mga kamay nito sa pagtipa sa loptop.

"Matagal pa ba ‘yan?"

"Not really. Matatapos na din ako. Are you that hungry huh?" malambing na tanong ng lalaki habang marahang dinadampian ng maliliit na halik ang braso niya at nakikiliti siya dahil sa balbas nito.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon