KABANATA 12

1.1K 8 0
                                    

KABANATA 12

"Excuse me miss. Nasa opisina ba si Devin?" Umangat ang tingin ng receptionist kay Yna.

"Do you have any appointment maam with Sir Devin?"

"I just want to visit him." pilit na ngumiti si Yna sa babae na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"I'm sorry, maam but he's busy. Just come back na lang po in another day."

"But miss he's m--"

"Sorry po talaga ma-" Naputol ang sasabihin nito nang may sumingit sa kanilang usapan. Sabay silang napalingon sa babaeng paparating.

"I know her. Ako ng bahala." anito at tinanguan ang babaeng receptionist.

Tinignan niya si Karen at ganoon din ito sa kaniya.

"Hi, Yna. How are you?" tanong nito.

Kung umasta ito ay parang close silang dalawa. Ni hindi nga niya ito pinapansin noong nagpupupunta siya sa opisina ng binata. Hindi nakalagpas sa kaniya ang tingin nitong animo'y sinusuri pati kaluluwa niya kaya sarkastiko siyang ngumiti dito.

Nakasuot ito ng one shoulder top na pinarisan ng skinny fit jeans. Nakalugay din ang buhok nitong hanggang bewang na tuwid na tuwid. Rebonded.

"Fine." tipid niyang sagot dito.

"Good to know. Anyway, Why are you here? Did you go here for Devin? He's busy and a lot of papers waiting for him." may bahid ng sarkastiko ang sinabi nito dahilan para umangat ang gilid ng labi ni Yna.

"Well, I'm here to visit him. Hindi ba pwedeng bisitahin KO ang BOYFRIEND KO?" aniya at pinagdiinan ang huling salitang sinabi. Kita sa mukha ni Karen ang pagkabigla at umawang pa nang bahagya ang bibig nito.

"Oh? Really?" gulat pa rin nitong tanong. Ngumisi siya.

"Yes. Bakit parang nagulat ka, Karen? Did I say something offended?" ani Yna at bahagyang umangat ang gilid ng labi.

"No, I'm not. Actually, I want to talk with you." Nanliit ang mga mata ni Yna sa narinig.

"I don't have time to talk with you, Karen. Si Devin ang pinunta ko dito not you." singhal niya at tatalikuran na sana ito ng pigilan siya at hawakan ang braso niya.

"Please... Just this time." may diin sa pagkakasabi nito dahilan para maglaban sila sa tinginan na dalawa.

Napagkasunduan nilang mag-usap sa isang coffee shop. Malapit lang din ito sa kompanya ng binata at siya mismo ang pumili dito kaya wala nang nagawa pa si Karen kundi ang sundin siya. Lihim naman siyang napangiti nang makitang badtrip ang itsura ng babae.

"Sorry, I'm craving for this," aniya nang agad na lantakan ang inorder na pagkain.

She ordered Lemon meringue pie, cinnamon roll at green tea. Samantalang, ang inorder lang ni Karen ay egg mayo sandwich at expresso. Pinanood lamang siya nitong kumakain.

"Ohh–kay..."

"Don't mind me Karen. I can eat all of this don't worry."

Tahimik lang silang dalawa. Nagpapakiramdaman kung sinong unang sisira nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa totoo lang walang kaide-ideya si Yna kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa. They're not even close ever since. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na itong babaeng kaharap niya ay may gusto kay Devin. Hindi rin naman ito tinago ng binata sa kaniya. It only means that Devin doesn't like this girl–slash his secretary.

Narinig niyang tumikhim ito dahilan para umangat ang tingin niya dito.

"What are we going to talk about Karen?" panimula niya. Ayaw niyang mag-aksaya nang oras dahil ang totoo si Devin ang pinunta niya hindi ang makipag-usap dito sa babaeng 'to.

Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon