KABANATA 22
"Kuya okay lang ba si Ate? Bakit ang tamlay niya? Ano po bang nangyari?"
Natigilan naman si Nolane sa paghahalo ng niluluto niyang tinolang manok dahil sa tanong ni Moxie. Nakaupo ito at nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya. Nakatalikod siya dito kaya hindi nito makikita ang reaksyon niya.
"Pagod lang siya siguro sa trabaho kaya nagpasundo siya sa'kin," pinatay na niya ang stove at kumuha ng malaking mangkok bago nilipat ang nilutong ulam.
"Si Jules?" tanong niya rito na prenteng pinapanood lang siya nito.
"Nando'n sa kwarto niya. Kakain na ba tayo?"
"Tawagin mo na siya."
Tumango naman ito at agad na tumalima.
Maya-maya pa'y narinig na niya ang yabag nito kaya hinanda niya na ang lamesa."Where's mom? Won't she eat with us?"
"Masama ang pakiramdam ng mama mo eh. Dadalhan ko na lang siya sa kwarto niya mamaya."
Marahan namang tumango ang bata at nagsimula na silang kumain.
∆~∆~∆~∆~∆
Sa kabilang banda, halos malunod na sa kalasingan si Devin kasama ang mga kaibigan. Napapailing na lang ang mga ito habang nakatingin dito at halos wala na sa sarili.
"Ihatid na kaya natin siya sa kanila? Kanina pa 'yan eh. Ano ba kasing problema?" nakakunot noong tanong ni Uziel.
"Nabanggit niya sa'kin kanina habang papunta kami dito na... nagkita na raw sila ni Yna." ani Arien sa mga kaibigan.
"Ano?" chorus ng tatlo sa sinabi niya.
"Oo. Nagkita na raw sila."
"Oh! Eh anong pinag-usapan nila? Nasaan daw ang anak nila?" tanong naman ni Jordyn na tinago pa ang cellphone para makiusyoso sa topic.
Nakatanga naman ang tatlo habang hinihintay na magsalita si Arien.
"W-Wala na daw ang anak nila."
"Ano?"
"Ha? Paanong nangyari 'yon?"
"Eh diba buntis si Yna ng maghiwalay sila?"
Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan niya kaya napakamot na lang siya sa ulo hindi niya alam kung anong unang sasagutin.
"H-Hindi ko alam, basta ang sinabi niya lang kanina. Nag-usap sila at wala na nga raw ang bata."
"It's impossible." ani Jordyn na nakatingin sa dagat ng taong nagsasayaw sa dance floor.
"What do you mean, impossible?" tanong naman ni Arien na nakakunot noo.
"Buntis si Yna nang maghiwalay sila. At alam nating lahat na umugong ang balitang magpapakasal sa ibang babae si Devin which is it's Zyrine. We all know na sobrang masasaktan no'n si Yna maliban na lamang kung..." ani Uziel.
"Kung?"
"What are you trying to say?" hindi na mapakaling tanong ni Caelan.
Halos na kay Uziel na ang tingin ng tatlo niyang mga kaibigan at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Napasulyap muna siya kay Devin na nakatungo na sa lamesa dahil sa sobrang kalasingan bago ibaling ang tingin niya sa tatlo pa niyang kaibigan.
"Maliban na lamang kung nakunan siya dahil sa nangyari..." Nagkatinginan naman silang magkakaibigan.
"What if Yna is lying? What if the child is alive and she doesn't want to show it to Devin?" wika ni Jordyn.
BINABASA MO ANG
Her Possessive Bestfriend (COMPLETED)
Romance❗MATURED CONTENT AHEAD❗ Yna have her Possessive Bestfriend that turns out to be her Possessive Husband. Date published: March 4, 2022 Date finished: June 7, 2023 Date started of revision: September 23, 2023 Date ended of revision: October 9, 2023