Bad Morning!!!

1.6K 18 0
                                    

First day of school, nagmamadaling umalis ng bahay si Nadine Rivera, 14 years old at transferee sa St. John Academy.

"Bye Ma!!! Alis na po ako, malelate na po ako e..."

"Sige, sure ka bang ayaw mong magpahatid sa Daddy mo? Malayu-layo din ang school nyo."

"Okey lang po ako... Nilinis ko naman po ang bike ko kahapon. Magbabike na lang po ako para iwas traffic."

Pagdating ng school, ipinark ni Nadine sa parking area ang bike nya. Katabi nito ang isang black na kotse na pagmamay-ari ni Sophia Angela Buenavista, 14 years old din at popular sa school kasi sobrang yaman ng family nila.

Iniwan ni Sophia ang kotse sa pangangalaga ng personal driver nyang si Mang Anton.

"Pano Mang Anton, i'll leave the car here. Bahala ka na magbantay ha. Binigyan ka ba ni Mommy at Daddy ng panglunch mo?" 

"Yes, mam! Sige po ako na po ang bahala dito..."

Habang naglalakad papunta sa classroom niya ay hindi namalayan ni Nadine na nasa likuran na n iya si Sophia... Manghang-mangha si Nadine sa laki ng St. John kaya tumigil muna ito saglit. Dire-diretso naman ng paglalakad si Sophia kaya nabunggo ito kay Nadine.

"My God!!! Look at what you did!!! Hindi ka kasi nag-iingat."

Galit na galit na sabi ni Sophia habang pinupulot ang mga books nya.

"Sorry!!! Hindi ko sinasadya... Sorry!!!", sabi naman ni Nadine habang tinutulungan si Sophia na limutin ang mga gamit nito.

"Whatever!!! Wala akong pakialam sa reasons mo... Hindi mo ba ako nakikilala... Hmmmmmm....... I'll make sure that you'll pay for this!", banta ni Sophia kay Nadine na patuloy pa din sa pag-aapologize.

Pagtayo ni Sophia matapos pulutin ang mga books nito, inirapan nito si Nadine at saka umalis patungo sa classroom niya. Naiwan naman si Nadine na pulang-pula dahil sa pagkapahiya.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon