Another transferee ---> A friend or an enemy???

192 2 0
                                    

3 months later...

Pasukan na naman sa St. John Academy. Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na agad mula ng nagtransfer dito si Nadine. Napakarami ng nangyari mula noon.

June 9, ____

"Di ba sabi ko sayo ihahatid kita? Hindi mo na naman ako hinintay...", sabi ni Jhake na habol ang hininga habang sumasabay sa kanya sa corridor papasok ng room.

Nginitian lang sya ni Nadine.

"Heto ka naman sa pagpapacute mo...", sabi ni Jhake tapos ngumiti na rin pero badtrip pa rin.

"Sorry na.", sabi ni Nadine.

"Tsk.", yun lang reaction ni Jhake.

"I love you!", sabi ni Nadine.

Napangiti naman si Jhake pagkarinig dito.

Nakarating din sila sa classroom. Madami nang classmates nila ang nandun. Nakita nila sina Raz at Sophia na magkatabi. Nagwave si Sophia sa kanila kaya lumapit sila at umpo sa tabi nina Raz at Sophia.

"Aga-aga, init ng ulo?", sabi ni Sophia na nakatingin kay Jhake.

Ngumiti naman si Nadine.

"Pano...di ako inantay nito. Nagbike na naman!!!", sabi ni Jhake na ginulo ang buhok ni Nadine.

Napatawa naman si Raz.

"Di ka na nasanay dyan!", sabi ni Raz.

Napa-sigh na lang si Jhake tapos tawanan silang apat.

Magtwo-two months na din mula nung sagutin ni Nadine si Jhake. Hindi pa din alam sa bahay nila dahil syempre, ayaw ng daddy nya na magboyfriend agad sya.

Kaya nga ayaw nya magpahatid o magpasundo kay Jhake. Pero kay Raz, pwede. Safe daw e. >_<

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

Nagring na yung bell. Pumasok na yung teacher nila tapos nagpakilala.

"Good morning! Alam kong kilala nyo na ako pero let me introduce myself formally.", pasimula nito.

Nagnod lang ang mga students.

"I'm Ms. Jasmine Kurosaki. Alam ko medyo mahirap banggitin yung apelyido ko so you can call me Ms. Jassy na lang.", pabirong sabi ni Ms. Kurosaki.

Ang totoo, may asawa na talaga sya. Half-Japanese. Half-Filipino. Kaya Kurosaki apelyido nya. Ganito lang talaga sa private schools. Ms ang tawag sa prof kahit Mrs na talaga.

Tulad ng nakasanayan, since 1st day ng class, introduction muna. Pinakilala ng students ang sarili nila sa unahan.

Awkward.

Magkakakilala na naman talaga sila e. Si Ms. Kurosaki lang talaga ang hindi sila kilala kaya gusto pa rin nya ng INTRODUCE YOURSELF ACTIVITY.

After magpakilala ng lahat, may tumawag kay Ms. Kurosaki. Yung School head, nasa labas. May kasamang lalaki. Mukhang new student.

"Ang gwapo!", sabi ni Raz.

"Nasan?", sabay na tanong nina Nadine at Sophia na nagkatinginan tapos nagtawanan.

"Ehem...", nagpaparinig si Jhake.

Nagtawanan lalo yung dalawa.

"Yun oh.", turo ni Raz.

"Medyo.", sabi ni Sophia.

Hindi naman kita ni Nadine yung lalaki sa labas kasi medyo mahirap yung anggulo nya.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon