One week din silang nagsaulo ng script.
Klase...Saulo ng script...Uwi sa bahay, yan ang daily routine ng buong 3A. Kelangan kasi nila magsacrifice para hindi mapahiya ang section nila.
" Okey class... Dahil one week ng nasa inyo ang script, siguro naman e saulo nyo nang lahat yan. Ngayon ay sisimulan na natin ang ating practice.", sabi ni Ms. Dela Vega.
Excited ang lahat pero kabado rin. Nakakahiya kasing magkamali lalo na't 1 week na sila nagsasaulo.
" Since next week na ang role playing, wala na muna tayong klase this whole week. Ibibigay ko sa inyo ang time para magprepare. Pumayag na din nga pala ang Principal natin na ipagamit ang stage para gawing practice area.", dugtong pa ni Ms. Dela Vega.
After mag-announce, pinangunahan na niya ang pagpunta sa stage. Sumunod naman sa kanya ang lahat ng estudyante niya. Kasya silang lahat sa stage dahil malaki naman ito (private nga e). Isa pa'y 25 lang ang estudyante ng 3A dahil Cream Section ito at puro matatalino lang ang nadoon.
Pagkarating sa practice area, naghanda na ang lahat. Kanya-kanyang baba ng bag.
Isa-isa silang umakyat ng hagdan at nag-umpisa na magpractice. Madamdamin ang presentasyon kahit hindi pa ito ang totoong oras ng pag-arte nila.
Okey na sana ang lahat ng sa pagpasok ng karakter ni Nadine ay tinakid ito ni Sophia.
Madudulas na sana siya nang hindi niya inaasahang may sumambot sa kanya. Magkayakap tuloy silang dalawa dahil paharap ang patak sana niya.
"Girl, patagal lang? Mabigat ka kaya!!!", sabi ni Razzel na nakatingin sa kanya at sa taong sumambot sa kanya.
"Mag-iingat ka kasi sa susunod. :)", sabi ng taong sumambot sa kanya sabay ngiti.
"Sa...Salamat!", sagot nito habang kinakapa ang nahulog na salamin .
Namula ito sa pagkapahiya. Pagtayo niya, lalo siyang namula at kinabahan ng malamang si Jhake pala ang sumagip sa kanya.
Hindi niya kinaya ang mga nangyari at sa labis na din sigurong init ay hinimatay siya.
For the second time, sinambot ulit siya ni Jhake. Ngayon, binuhat pa siya nito na parang ARYANA at dinala ito sa clinic kasama ng teacher nila. Tuloy naman ang practice ng iba nilang mga kaklase.
Dahil wala ang teacher, si Hiedee Delgado (President) muna ang namuno sa kanila.
Habang nagpapractice ang iba at hindi pa pumapasok ang karakter nya, bulong naman ng bulong si Sophia na parang nangkukulam, haha!
"Arte lang yan ng Nadine Rivera na yan e. Sakay na sakay naman itong si Mam. Kakainis! Pati si Jhake, inaagaw ng nerd na yan sakin. Kunwari pang mahinhin... :-<", sabi ni Sophia.
As usual, bigla na naman sumulpot itong si Razzel sa likuran niya.
"Hay naku girl! Inggiterang palaka ka talaga anoh? Nahimatay na nga yung tao, ganyan ka pa din. Kung tutuusin nga kasalanan mo tong lahat e. Kitang-kita ko nung takidin mo si Nadine.", pagtatanggol ni Raz sa kaibigan.
"Alam mo bakla, wag kang makialam sakin ha. At saka wag ka ngang sulpot ng sulpot kung saan-saan. Para kang kabuteng tumubo sa tae eh... Hahaha! (tawang bruha)", sagot ni Sophia kay Razzel.
"Whatever! Looser ka lang kasi sa beauty ng friend ko.", sabi nitong may pagmamalaki.
"Whatever ka din... :-<", sagot ni Sophia sabay irap at alis.
Lagi na lang magkagalit ang dalawang ito. Palibhasa kasi ay maarte ang isa at prankang bakla naman ang isa. Pag nagkasundo talaga ang dalawang ito, baka end of the world na.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Ficção AdolescenteNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...