May boyfriend na sya?! Di ba ako yun?!!!! o_O

146 2 0
                                    

Sa bahay nina Nadine...

"Dindin, okay ka lang?", tanong ni BriX kay Nadine habang magkatabi silang kumakain ng meryenda sa living room.

"Hmmm?", tanong ni Nadine na puno ang bibig.

*munch

*munch

*munch

"You know what? Eating too much will make you fat and ugly.", biro ni BriX.

Hindi sya pinansin ni Nadine. Tuloy pa din ito sa pagkain.

*munch

*munch

*munch

"Huy! Ito may pag-iimbita pa saken, di naman pala ako papansinin.", sabi ni BriX na medyo nagtatampo.

Napatigil tuloy sa pagsubo ng pagkain si Nadine.

"Sorry ha. Naiinis lang kasi ako.", sabi ni Nadine na pinunasan pa ang labi gamit ang tissue.

"Naiinis ka? E di sya ang pagbuntunan mo ng galit, wag yang pagkain. Halos maubos mo na yang nakahain e. Kala ko ba para sakin yan? Tataba ka nyan!", sabi ni BriX.

"Hehe, sorry. Ipaghahain na lang ulit kita.", sabi ni Nadine.

"Wag na! Iba naman talaga ang gusto ko. Hindi yan.", sabi ni BriX.

"Ha? E ano?", sabi ni Nadine.

"Date tayo.", pagyayaya ni BriX.

"Ngayon na?  Gabi na ah. Saka anong date? Di naman tayo ah. Ikaw ha, sineseryoso mo na ata yung pagpapanggap.", sabi ni Nadine.

"Tsk... Di ah. Pwede namang magdate ang magkaibigan ah. E ano naman kung gabi? 6 pm pa lang naman. Dinner tayo sa labas. Libre kita, para naman mawala yang pagka badtrip mo.", sabi ni BriX. (^_______^)v

"E wala pa sina Mommy at Daddy. Pano ako magpapaalam?", tanong nya na medyo nag-aalangan.

"Tawagan mo na lang.", sabi ni BriX tapos hinigit na si Nadine palabas ng bahay.

Hindi na din nila nagawang makapagpalit ng damit since wala ng time.

*****

6:30 pm... Sa labas ng bahay nina Nadine...

*tok...tok...tok...

Nagbukas ang pinto at bumungad ang mukha ng mommy ni Nadine.

"Good evening po Mam! Nandiyan po ba si Nadine?", tanong ni Jhake.

Kasama nya ngayon si Honey Lyn para linawin na rin ang lahat kay Nadine.

Saktong dating naman ng daddy ni Nadine galing trabaho.

"Ah...Good evening Sir!", bati ni Jhake dito.

"Good evening din naman hijo.", sabi nito.

"Pasok muna kayo ng kasama mo.", pagyayaya ng mommy ni Nadine.

"Hindi na po Mam. Kahit dito na lang po. Gusto ko lang po makausap si Nadine. Kaklase nya po ako.", sabi ni Jhake.

Alam nya kasing hindi pa alam ng parents ni Nadine ang tungkol sa kanila kaya hindi nya masabi na boyfriend sya nito.

"Ah, si Nadine? Wala pa dito e.", sabi ng mommy nya.

"Po? San po nagpunta?", tanong ni Jhake.

"Tumawag sakin kanina. Kasama daw yung boyfriend nya.", sabi ulit ng mommy ni Nadine.

"Boyfriend po?", nagtatakang tanong ni Jhake.

Medyo naguguluhan sya. Sya ang boyfriend ni Nadine pero hindi naman nya ito kasama. Kung ganun, sino ang kasama nito?

"Oo. Yung kababata nya. Si BriX.", sabat naman ng daddy nya.

Nagbago ang reaction ng mukha ni Jhake.

Medyo parang nagpipigil ng galit.

Si Honey Lyn naman na kasama nya para magpaliwanag sana kay Nadine ay walang naiintindihan dahil nga Tagalog ang usapan. ?_?

"Ah... Ganun po ba? Sige po, aalis na po kami.", pagpapaalam ni Jhake.

"Sige.", sabi ng mommy ni Nadine.

"Hijo, bakit mo nga pala hanap si Nadine? Ano nga ulit pangalan mo?", pahabol na tanong ng daddy ni Nadine nang makitang papasakay nang kotse sina Jhake at Honey.

"Ah. May itatanong lang po akong assignment.", sabi ni Jhake na nagdadahilan.

Sinadya nya ring hindi sabihin ang pangalan nya kahit hindi nya sure kung natatandaan sya ng mga ito dati pa.

Basta ang alam nya, may itinatago sa kanya si Nadine.

Habang nagpapatakbo ng kotse...

"Bwisit ka talagang 'hallow blocks' ka. Ang lakas ng loob mong unahan akong magpakilala sa parents ni Nadine bilang boyfriend nya. Isa ka pa Nadine, mag-uusap tayo.", galit na sabi ni Jhake na medyo hinampas ang manibela ng kotse.

Si Honey Lyn naman na nakaupo sa tabi nya, tinatap ang shoulder nya dahil alam nyang problemado ang cousin nya kahit hindi nya maintindihan ang sinasabi nito.

*****

AUTHOR'S NOTE:

みなさん、こんにちは!Salamat po sa patuloy na pagbabasa ng My Nerdy Girlfriend kahit na narration style lang po ito. Mas comfortable po ako dito kesa POV style eh. Try ko po gumawa ng story na POV style next time.

 Basta, ito na lang po muna. Hehe. Salamat po ulit at sorry ulit sa late update! Sana po magustuhan nyo ang sunod na chapter at ang buong story na din. :)

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon