Friend Zone #2

198 4 1
                                    

Kinabuksan...

"Hi Nadine! Ako na'ng magdadala ng gamit mo!", offer ni Kristoffer.

"Ah... Hindi na. Kaya ko na 'to, malapit na naman e.", sagot ni Nadine.

"Sige na nga...", sabi ni Kris.

Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa classroom. Habang nasa corridor, nagkukwentuhan ang dalawa.

"Ang aga mo atang pumasok ngayon. Nasanay kasi ako na ako lang saka yung ibang malalapit ang bahay lagi ang nauuna pumasok.", sabi ni Nadine.

"Ah... Ako? Medyo napaaga lang ang gising.", sagot ni Kristoffer.

"Kris, wag mo sanang mamasamain... Pwede bang magtanong?", sabi ni Nadine.

"Ano yun? Sige lang, basta hindi math ha!", pabirong sabi ni Kristoffer.

Napangiti naman si Nadine sa sinabi nito.

"Sira! Pero seryoso yung tanong ko ha.", sabi ni Nadine.

Tumango naman si Kristoffer. Tumigil ito sa paglalakad at humarap kay Nadine. Yumuko ito ng konti (na parang ikikiss na si Nadine sa lapit ng mukha nila sa isa't isa) at saka ngumiti.

"Ano ba'ng tanong mo? Kahit ano pa yan, basta para sayo...", sabi ni Kristoffer.

Napaurong naman ng konti si Nadine.

Napansin ito ni Kris at saka umayos ng tayo habang nakangiti pa rin.

"Bakit parang natahimik ka?", tanong ni Kristoffer.

"Kasi, nakakahiya...", sabi ni Nadine.

"Ano ba kasi yun? Wag ka nang mahiya...", sabi ni Kristoffer.

"Nililigawan mo ba ako?", sabi ni Nadine na medyo nagbablush pa.

Natawa naman si Kristoffer sa sinabi nito.

"Kris, kasi nalaman ko yung tungkol sa inyo ni Kylie...", sabi ni Nadine.

Biglang naging seryoso ang mood ni Kristoffer.

"Wala na kami...", sabi ni Kristoffer.

"Alam ko, pero...", sabi ni NAdine.

Yumuko ulit si Kristoffer (tulad ng kanina). Hinawakan nya ang pisngi ni Nadine na medyo nahihiya pa.

"Kris...", sabi ni Nadine.

"Nadine, wala na kami... What's important now is I like you! Oo, nanliligaw ako sayo... Bakit, ayaw mo ba?", tanong ni Kristoffer.

Hinawakan ni Nadine ang kamay ni Kris na nasa pisngi nya. Tinanggal nya ito bago nagsalita...

"Hindi naman sa ganun pero...", sabi ni Nadine.

"Pero?", tanong ni Kristoffer.

"Tatapatin na kita ha. Hanggang friend lang kasi talaga ang tingin ko sayo... Sorry!", sabi ni Nadine.

Tumayo na ulit si Kristoffer at tumalikod sa kanya.

"Tayo na! Baka malate tayo sa klase naten.", sabi nito.

"Kris! I'm sorry!", sabi ni Nadine.

Naglakad ito ng 3 steps bago tumigil at nagsalita...

"Dahil ba kay Kylie?", tanong ni Kris.

"Hindi... Hindi Kris... I'm sorry, may iba kasi akong mahal...", sabi ni Nadine.

Ngumiti ito bago humarap sa kanya.

"Looks like I'm rejected for the second time... Haha!", sabi nito.

"Sorry Kris!", sabi ni Nadine.

"It's okay! Hindi naman natin nakokontrol kung ano ang mararamdaman ng puso natin di ba? Basta, sapat na sakin na kahit papaano, friends tayo...", sabi ni Kris.

"Salamat!", sabi ni Nadine.

Kriiiiiiiiiiiiiiing!!!

"Naku! Nagbell na. Baka malate na tayo.", sabi ni Nadine.

"Sabi ko sayo tayo na e...", pabirong sabi ni Kristoffer.

"Sira! Tayo na nga!", sabi ni Nadine.

"Ha? Tayo na?!", pabirong sabi ulit ni Kris.

"Hay, ewan ko sayo...", sabi ni Nadine na dire-diretso ng naglakad.

Hinabol naman sya ni Kristoffer.

"Ui... Ito naman di na mabiro...", sabi ni Kris.

Ngumiti lang sa kanya si Nadine.

"Halika na nga... Malelate na tayo!", sabi nito sabay hila sa kamay ni Kris.

Magkaholding hands tuloy silang naglakad.

Samantala, sa di kalayuan ay nakamasid lang sa kanila si Kylie Valdez.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon