Ahhh... Kaya pala!

138 2 0
                                    

Monday...

Sa school, magkasabay na pumasok sina Nadine at BriX.

Hindi na naman ito ikinagulat nina Raz at Sophia dahil alam naman nilang close talaga silang dalawa.

Ilang sandali lang matapos dumating nina Nadine at BriX ay dumating na din si Jhake.

"Good morning!", bati ni Jhake sa kanila.

Nag-good morning din sa kanya sina Raz at Sophia pero hindi sya pinansin nina Nadine at BriX.

Pagkaupo nya sa seat nya, binati ulit nya si Nadine pero hindi pa rin sya pinansin.

"Ah, BriX, may gagawin ka ba mamayang breaktime?", tanong ni Nadine kay BriX.

"Uhm... Wala naman. Bakit?", tanong nito.

"Papasama sana ako sayo sa bookstore. Bibili lang sana ako ng marker at cartolina para sa report ko.", sabi ni Nadine.

Sumingit naman bigla si Jhake sa usapan.

"Ah... Ako Nadz, pwede kitang samahan!", sabi ni Jhake.

Tumingin naman sa kanya si Nadine.

Cold-scary-stare.

"Hindi na. Si BriX na lang.", sabi nya with a sarcastic voice.

"Oo nga pare. Wala din naman akong gagawin e.", sabat naman ni BriX.

Wala nang nagawa pa si Jhake sa desisyon ni Nadine.

Ilang saglit lang, dumating na din si Ms. Kurosaki at nagsimula na ang klase.

DISCUSSION.

DISCUSSION.

DISCUSSION.

Mabilis natapos ang klase. Breaktime na agad.

Magkasamang kumain sina Nadine at BriX. Nakahiwalay sila kina Sophia, Raz at Jhake. After nila kumain, sinamahan na nga ni BriX si Nadine sa bookstore.

"Ah, BriX?", sabi ni Nadine.

"Bakit?", tanong ni BriX na nakatitig lang sa kanya.

"Ang totoo kasi, wala naman talaga akong bibilhin e. Dahilan ko lang yun para...", hindi na naituloy pa ni Nadine ang sasabihin.

"Para gumanti kay Jhake?", sabi ni BriX na medyo nagtatanong ang tono.

Tumango lang si Nadine.

"Alam ko naman yun e. Wala ka naman talagang report di ba? Tapos ka na kaya.", sabi ni BriX tapos nagsmile.

"Ha? E bakit ka pumayag kung alam mo naman pala?", tanong ni Nadine.

"Tinatanong pa ba yan?", sabi ni BriX then he patted Nadine's head.

"Sorry! Sorry nadadamay ka pa.", sabi ni Nadine na halos maluha-luha na.

Umiling si BriX.

"Anong sorry? May bayad yun.", sabi ni BriX tapos nagsmile at peace sign na naman. ---> (^_____^)v

"Na naman?!", sabi ni Nadine tapos sinuntok ulit sya ng mahina sa braso.

"Aray! Battered boyfriend #2 na ko sayo ha. Nakakailan ka na.", sabi ni BriX pero pabiro.

Napatawa naman si Nadine sa sinabi nito.

"Sige na. Sige na. Ano bang gusto mo?", tanong ni Nadine.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon