Sweet Dream or a Beautiful Nightmare?

512 13 0
                                    

Pagdating pa lang sa bahay, dumiretso agad si Nadine sa kwarto nya para magbihis. Dahil first day, wala pang masyadong maraming gawain sa school, wala pang assignments and projects.

Agad na nagbukas ng computer si Nadine at nagfacebook. Hinanap nito ang account ni Jhake Angelo Yamamoto, ang bago nyang crush. Habang nagsesearch, naisip nya ulit ang nakita nya kanina sa school.

"Sila kaya? Imposible... sa taray na yun ng Sophia na yun... malabong magustuhan sya ni Jhake... pero...

maganda sya, sosyal at mukhang mayaman... Eh ako? Hay! Baka ako yung malabong magustuhan ni Jhake. Hay!!!"

Ilang sandali pa at...

CLICK!!! 

"Eto na yun! Ang FB ni Jhake... Hmmmmmmm... Hindi naman pala siya in a relationship eh, single nga ang status nya eh... Hahay! Buti na lang... Pero, hindi kaya sya nanliligaw kay Sophia? Sana hindi."

Ilang saglit pa...

"Nadine!!! Bumaba ka na dito at kakain na tayo.", tawag ng ina niya.

Naputol tuloy ang pagpapantasya niya kay Jhake.

Bumaba na sya at nagpunta sa dining table. Masarap ang pagkain pero wala syang gana. Nagmamadali kasi sya para makapagcomputer ulit at makita ang picture ni Jhake. Hindi naman nya ito friend pero hindi naman naka private ang photos nito kaya pwede nya itong makita anytime.

Matapos maghapunan, umakyat na ulit ito sa kwarto nya at nagfacebook. Mga 1 1/2 hours din ang itinagal ng pagcocomputer nya kasama na ang paglalaro niya ng favorite nyang WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE at HANGAROO (mga pampatalino), may pagkanerd kasi itong si Nadine.

After magcomputer, nagbasa muna si Nadine ng konti ng isang Science book habang nakahiga sa malambot nyang kama. Tamang-tama lang ang lamig ng aircon kaya hindi nya namalayan na nakatulog na pala siya.

*****

"Hi Sophia! Kumusta? Namiss agad kita. Flowers for you nga pala.", sabi ni Jhake.

Kitang-kita ni Nadine ang mga pangyayari. Halos maiyak sya sa sakit. First time nga lang nyang malove-at-first-sight tapos may sabit pa. Shit lang talaga.

"Thank you! Nag-abala ka pa. Nakakahiya naman.", sagot ni Sophia kay Jhake. Nakita nito na nakatitig sa kanila si Nadine at naramdaman ang pagseselos nito kaya sa halip na simpleng pasasalamat lang ay niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.

Gulat na gulat si Nadine. "PDA lang? At sa school pa talaga ha?", inis na inis siya at medyo maluha luha pa nga.

Biglang lumapit si Jhake sa kanya. ANg lakas-lakas ng tibok ng puso nya... parang sasabog ito sa kaba.

"Wag mo sanang sasabihin sa iba ang nakita mo. Ang totoo, kami na ni Sophia pero bawal nilang malaman dahil popular si Sophia at baka masira ang image nya. Isa pa, may balak din akong tumakbo bilang SG Vice President para pag President na siya, lagi ko na syang makakasama. Sana wag mo akong bibiguin.", sabi ni Jhake.

Inis na inis si Nadine pero wala naman siyang magawa. "Hay! Ano bang laban nya kay Sophia? Mayaman na, maganda pa.", lagi nyang naiisip.

"Ah, eh... Oo.", sagot nito kay Jhake sabay takbo palayo sa dalawa. 

Hindi na niya napigilang maluha. Ang sakit-sakit lang talaga. Sa katatakbo niya, hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan... 

Maya-maya pa'y...

*****

"Nadine, wake-up... Anak! Bakit ka ba nagsisisigaw?! Binabangungot ka ata!!!",  sabi ng Mama nito na patuloy syang inaalog para magising.

Pagmulat ng mata nito, tuloy yakap siya sa kanyang ina.

"Ma, ang sama ng panaginip ko. Mabuti na lang talaga at panaginip lang.", sambit nito na medyo takot pa ang boses. "Pwede po bang sa inyo muna ako tumabi ngayon? Wala naman po si Daddy di ba?" 

"Syempre naman... Wala naman akong katabi eh. Alam mo namang nasa trabaho pa ang Daddy mo at bukas pa ang uwi. Sige, sa akin ka muna tumabi.", sagot ng Mama nito.

After mag-usap, pumunta na ang mag-ina sa kabilang kwarto at dun na sila natulog.

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon