"Natutuwa naman ako at natanggap mo pala yung regalo ko.", sabi ni Jhake habang nakatingin sa silver bracelet na suot ni Nadine.
"Ah...oo, natanggap ko before Christmas. Thank you ha pero kakahiya naman, wala akong gift sayo in exchange for this.", sabi ni Nadine na nakayuko lang.
Unti-unting lumapit si Jhake sa upuan nya at hinawakan ang kanyang kamay. Kabado si Nadine na parang nakukuryente sa hawak na iyon. Medyo namumula na rin siya at pinagpapawisan.
Bago pa madala ng mga pangyayari, tinanggal na ni Nadine sa pagkakahawak ang kamay nya.
"Ah... ano... kasi...", hindi nya alam ang sasabihin nya.
Natawa naman si Jhake at napasandal sa sofa.
"Wala ka pa ring pinagbago. Mahiyain ka pa rin.", sabi nito habang nakatingin kay Nadine. "Okay lang kahit wala kang gift, sagutin mo na lang kaya ako.", pabirong sabi nito.
Napatingin naman bigla si Nadine kay Jhake.
"Hahaha! Biro lang... Alam ko namang hindi ka pa handa. Basta Nadine handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal.", sabi ni Jhake na nakatingin sa mga mata ni Nadine.
"Ah...uhm!", napatango lang si Nadine.
Ilang minuto pa ang lumipas, napakatahimik ng salas... Halos hindi na nag-iimikan ang dalawa.
Biglang dumating ang mommy ni Nadine galing sa kusina.
"Iho, magmeryenda ka muna.", sabi nito sabay abot ng juice at saka ipinatong ang tray ng cookies sa glass table.
"Ah... salamat po!", sabi naman ni Jhake.
After magmerienda, nagpaalam na din si Jhake. Medyo dumidilim na din kasi.
Inihatid na lang siya ni Nadine hanggang gate at hinintay na makasakay ng kotse nya bago pumasok sa loob.
Pagkasara ng pinto...
"Nadz...", sabi ng mommy nya.
"Yes ma?", tugon nya.
"I know you like that guy but please...", hindi na naituloy pa ng mommy nya ang pagsasalita dahil sumabat na siya.
"Ma, don't worry. I can handle myself as well as my feelings. I won't disappoint you and dad.", sabi nya at saka ngumiti.
Niyakap siya ng mommy nya at saka siya umakyat sa kwarto para magpalit ng damit.
After magpalit ng damit, nagawa na din sya ng homeworks nya. Then, dinner...
Late na din sila nakapagdinner dahil hinintay pa nila ang daddy nya.
"Sorry ha. Traffic eh...", sabi ng daddy nya.
"Okay lang po... Medyo busog pa din naman kami dahil sa meryenda.", sabi ni Nadine.
"Meryenda?", tanong ng Daddy nya.
"Ah... oo, nagpunta kasi dito yung isa nyang classmate e. Naghanda ako ng meryenda.", sabat ng mommy nya.
"Sino namang kaklase? Kasisimula pa lang pasukan ah... May bisita ka agad?", tanong ng daddy nya.
"Ah...opo. Mabait po syang kaklase.", sabi ni Nadine.
"Sana lang hindi nanliligaw sayo yan ha. Naku! Natatandaan mo ba yung si Karen, yung panganay ng ninong mo... Ayun, nagtanan... Ayoko lang mapagaya ka dun kaya sana wala munang ligaw- ligaw ha!", sabi ng daddy nya.
Natahimik tuloy si Nadine at ang mommy nya.
"Sige na... tuloy na sa pagkain.", sabi ng daddy nya.
After ng dinner...
"Nadz... intindihin mo na lang ang daddy mo ha. He's just protecting you bec. he loves you!", sabi ng Mommy nya.
"I know Ma... I know!", sagot nya.
"Don't worry, secret lang natin yung tungkol kay Prince Charming mo. Basta, hanggang ligaw lang muna ha...", sabi ng mommy nya sabay kindat.
"Uhm...", tumango lang si Nadine na nakangiti.
"Oh sya... ako na ang tatapos ng paglilinis nito (plato) at magpahinga ka na. I know you're tired. Go to sleep na.", sabi ng mommy nya.
"Sige po!", sabi nya at saka umakyat sa kwarto para matulog.
Inayos muna nya ang kama nya at saka ang mga gamit nya. Tinanggal na rin niya ang bracelet na bigay ni Jhake, nagdasal at nahiga na para matulog.
"Sana dumating yung panahon na okay na ang lahat... Sana pwede na...", naisip na lang nya habang unti-unting pumipikit ang mata.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Novela JuvenilNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...