3 weeks later...
TOOT-TOOT...TOOT-TOOT...
Tumunog ang cellphone ni Nadine. Maaga pa kaya nakahiga pa rin sya sa kama nya.
*****
CELLPHONE CONVO:
Raz: Graveh noh gurl...blis ng bacaxon! my pxok n 2m.
Nadine: oo nga e. tinatamad p q. pero excited n q 4 2m.
Raz: dooooooooh... ikr! muxtah n nga pla kau ni jhake?
Nadine: ok nmn kme.
Raz: wat ok? so kakabitin.
Nadine: basta, i'll tell you 2m.
Raz: cge n nga. gtg. my gagawin p q. c u 2m! :)
Nadine: cge. ingat, c u 2m!
*****
Kinabukasan...
Parang hindi nagdaan ang Christmas vacation. Chika-chika agad ang magkakaklase. Samantala, may ilang students na absent pa din, tila may hang-over pa ng nagdaang pasko.
As promised, todo kwento agad si Nadine kay Razzel.
"Talaga! Ang sweet naman... <3", malakas na sabi ni Raz after marinig ang kwento ni Nadine.
"Oo, haha! Kilig na kilig nga ako e.", sabi naman ni Nadine.
FLASHBACK:
December 24, 2013...
Ding! Dong!
Tumunog ang doorbell nina Nadine. Binuksan niya ito at nakita nya ang isang lalaking hindi naman nya kilala.
"Ah...magandang araw po. Dito po ba nakatira si Ms. Nadine Rivera?", tanong nito.
"Ako po si Nadine. Bakit po?", tanong naman niya.
"May nagpapabigay po nito sa inyo. Pakisign na lang po dito bilang patunay na nareceive nyo po ang package.", sabi nito sabay abot ng isang box na may card.
Pinirmahan ni Nadine ang receipt at nagpasok na ulit sya sa loob ng bahay.
Excited nyang binuksan ito sa loob ng kwarto nya.
"Ano kayang laman nito? May card pa...", sabi nya.
Binasa nya ang sulat.
---> To my dearest NADINE,
As much as i wanted to give this to you personally, kinailangan ko namang umuwi ng probinsya para dalawin ang Lolo at Lola ko. Isa pa, uuwi din sina Papa at Mama galing Japan para dito na magpasko. Sama-sama na kaming magcecelebrate dito kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi ko ito naibigay sayo ng personal. I LOVE YOU! Be happy this x-mas!!! <3
---> Love: JHAKE
BACK TO REALITY (B2R):
"Awwwwww... kakakilig nga yun. So kaya pala absent pa rin si Jhake e nasa province pa sya.", sabi ni Raz.
"Oo. Nagtext naman sya sakin e kaya alam kong absent sya ngayon.", sabi naman ni Nadine.
"Ahhhhhhh... So, kayo na?", tanong ni Razzel.
"Raz!!!", sabi ni Nadine (awkward).
"Why? I'm just asking...", nang-iinis na sabi ni Razzel na pangiti-ngiti pa.
Nagbablush naman si Nadine na medyo nahihiyang pag-usapan ang mga ganitong bagay.
"So, kayo na nga?!", tanong ulit ni Razzel.
"Hindi pa noh! Hindi pa ko handa sa mga ganyang bagay.", sagot ni Nadine na feeling awkward talaga.
"What?! Hindi pa din?! Akala ko ba gusto mo si Jhake?", tanong ni Raz.
Gulat na gulat talaga ito dahil ang alam nya ay crush na crush ni Nadine si Jhake. Akala talaga nya ay sinagot na ni Nadine si Jhake ng gabing magtapat ito na siya ang Secret Admirer nya.
"Hindi pa talaga...Promise!", sabi ulit nito sabay taas ng kamay na parang nanunumpa. "Napag-usapan na naman namin ang tungkol dyan e saka mga bata pa naman talaga tayo.", dugtong pa niya.
"Hay naku! Kala ko pa naman kayo na. Ang bagal...Tsk!", sabi nito.
"Sira!", sabi ni Nadine sabay toktok dito ng mahina.
"Ouchiness!", sabi ni Raz na maarte pa ang pagkakasabi.
"Arte ha!", sabi ni Nadine na nakangiti.
After several minutes, dumating na si Ms. Dela Vega at nag-umpisa na agad ang klase ng 3A.
Ganito talaga pag private school, klase agad. May mga goals kasi silang dapat mameet para na din sa pangalan ng St. John Academy.
At nagpatuloy nga ang klase nila for the whole day...
Nakakapagod pero masaya ang lahat lalo na ng magring na ang bell.
KRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG!!!
Uwian na!!!
"Ok, class dismiss. Ingat lahat sa pag-uwi ha.", sabi ni Ms. Dela Vega.
"Goodbye Ms. Dela Vega!", sabi ng buong 3A.
As usual, nakabike na naman si Nadine pag-uwi. Naipagawa na naman ang naflat nitong gulong at ang ilang mga sira matapos na may mambastos sa kanya dati.
Sa totoo lang, takot pa rin ang parents nya na magbike sya ulit dahil nga sa nakaraang pangyayari pero mapilit sya at isa pa hindi na daw naman sya magpapagabi. :p
Habang nagbabike, iniisip naman nya ang mga happy memories nila ni Jhake tulad na nga lang ng iniligtas sya nito pati na rin ang una nilang pagkikita.
Pagdating nya sa bahay, may nakapark na itim na kotse sa labas nito. Pamilyar ito pero hindi sya sigurado kung saan nya ito nakita dati.
Pagpasok nya sa loob, kakwentuhan ng kanyang ina ang isang lalaking nakatalikod.
"Oh, andito na pala ang hinihintay mo e.", sabi ng ina nya sa lalaki sabay turo sa kanya.
Humarap ang lalaki sabay ngiti.
"Long time no see!", bati nito.
Gulat na gulat sya.
"Ke--kel--kelan ka pa dumating?", nauutal na tanong nito.
"Kani-kanina lang kaso hindi na ko nakahabol sa klase, sayang! Syempre, gusto kitang makita kaya pumunta agad ako dito.", sabi nito.
"Ah...Eh...", namumula si Nadine at nauutal.
Hiyang-hiya sya dahil sinabi ito ng lalaki sa harap pa mismo ng Mama nya.
Lumapit naman sa kanya ang Mama nya at bumulong sa kanya...
"Sya ba yung sinasabi mong crush mo, ang dahilan ng lahat ng ito? Kung sya, okay lang sakin. Sya ang nagligtas sayo nung araw na yun. Mabait sya, alam ko. Sana lang wag kang magmamadali.", bulong nito.
"Ma!", malambing na sabi nito.
Hindi na siya nakapagsalita pa, naunahan na sya ng Mama nya.
"Maiwan ko na muna kayo. Ipaghahanda ko muna kayo ng merienda.", sabi ng Mama nya na bago pumunta ng kusina ay kinindatan pa siya.
"Si Mama talaga...", sabi na lang niya.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend
Genç KurguNadine Rivera is transferee at St. John Academy and she's somewhat nerdy. She fell in love with his classmate Jhake Angelo Yamamoto who doesn't seem to like her. This makes her heart break and she decided to transform herself for Jhake. But there ar...